Mukha nina Barbie at David bumandera sa Rice Paddy Art; Ashley tuloy ang laban kahit madapa, matumba at masugatan
WALA na talagang makakapigil sa pagiging influential ng FiLay loveteam!
Kaya naman hindi nakakapagtaka na ma-feature ang sikat na tandem nina Barbie Forteza at David Licauco sa Rice Paddy Art of Future Rice Farm na taunang atraksyon sa turismo sa loob ng Philippine Rice Research Institute sa Barangay Maligaya, Nueva Ecija.
Ang art form na ito ay sumusunod sa anamorphosis design principle, isang 3D technique kung saan ang isang larawan ay mukhang baluktot ngunit lumalabas na normal kapag tiningnan mula sa isang partikular na anggulo.
View this post on Instagram
Komento nga ng isang fan sa bagong achievement na ito ng Team Filay, “Galing naman ng mga kabataan na gumawa niyan. Tunay na kahanga-hanga. Sure akong proud ang 2 artista na sina Barbie at David dito.
“Inspirasyon nila ang FiLay kasi tunay namang iniidolo sila ng mga kabataan. Parehas silang mapagmahal na mga anak sa kanilang pamilya,” sabi pa niya.
Baka Bet Mo: Jak ipatatayo na ang ultimate dream house; Barbie may 2 request sa bahay ng dyowa
* * *
Marami ang humanga kay Sparkle artist Ashley Ortega matapos nitong ibahagi ang ilang behind-the-scenes sa pinagbibidahang GMA primetime series na “Hearts On Ice.”
Makikita sa kanyang Instagram post ang mga sugat at pasa na kanyang tinamo habang gumagawa ng stunts sa ice skating rink.
Pero ayon sa aktres na gumaganap bilang Ponggay, “All I can say is how fulfilling it is to go home from work despite all the sleepless nights, cuts, falls, bruises, and physical exhaustion.”
View this post on Instagram
Nilinaw din ni Ashley na normal lang sa figure skating na madapa at masaktan, “The production of HOI takes good care of me and everyone on set. All my bruises, falls, and cuts are accidents and it’s normal in our sport.”
Kasunod niyan, mas lalong bumilib ang fans at co-stars ni Ashley sa kanyang dedication sa serye. Say ni Roxie Smith, “Queen things!!!!” Dagdag pa ni Rita Avila, “I hope you are feeling better today. Rest your body while you can.”
Komento naman ng isa pang netizen, “I call them battle wounds or badges of honor. Laban lang, Ponggay! Thank you for making this show worth watching. Salute to you, Miss Ashley! Grabeeee the effort. Go, Ashley. We’re always rooting for you!”
Talaga namang very similar sina Ashley at Ponggay na parehong hindi sumusuko para abutin ang kanilang mga pangarap! Subaybayan ang inspiring story ng “Hearts On Ice,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Paolo Bediones irereklamo ng 100 empleyadong hindi pa binabayaran; TV host nagpaliwanag
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.