Rendon Labador 'umiyak' sa socmed, ticket sa grand opening ng negosyo nilangaw: Wala sanang personalan | Bandera

Rendon Labador ‘umiyak’ sa socmed, ticket sa grand opening ng negosyo nilangaw: Wala sanang personalan

Alex Brosas |March 24,2023
facebook
share this

Rendon Labador ‘umiyak’ sa socmed, ticket sa grand opening ng negosyo nilangaw: Wala sanang personalan

Alex Brosas - March 24, 2023 - 06:04 PM

Rendon Labador 'umiyak' sa socmed, ticket sa grand opening ng negosyo nilangaw: Wala sanang personalan
NAGMUKHANG crying boy ang motivational speaker na si Rendon Labador nang magreklamo ito sa Facebook na walang bumibili ng ticket sa opening ng kanyang resto.

“WALANG BUMIBILI NG TICKET NAMIN SA GRAND OPENING BUKAS.. Bakit kaya? Fans ba lahat kayo ni Coco kaya ayaw ninyo bumili? Wala sanang personalan,” say niya sa kanyang official Facebook account.

“We are thrilled to invite you to the Grand Opening of Episode Bar + Restaurant, happening this March 25th, Saturday! Our new establishment boasts a beautiful and inviting ambiance, and we have prepared a fine dining menu and signature cocktails that will surely satisfy your taste buds,” paanyaya ni Rendon.

“Our Grand Opening wouldn’t be complete without an exciting line-up of performers such as: Paolo Santos | LILY | Any Name’s Okay | SUD | DJ Justin San. We would be thrilled to have you join us in celebrating this important occasion with us. Ticket price is only P2,000 per person which includes 2 FREE CHOICE OF DRINKS AND 1 BAR CHOW,” dagdag pa niya.

Ang daming nag-react sa post na ‘yon ni Rendon.

“Mag open pa lang pero sarado na agad HAHAHAHAHA the design is very Goods by Brenda hahahahaha.”

“Rendon LaBADING, kasi MASAMA ANG UGALI MO kaya walang tumatangkilik sayo! Ang pera, ginagamit sa mga importanteng bagay sa mundo, pagkain, damit, tubig, gastusin at bayarin sa bahay, hindi para pangtoma at panggimik. Naiisip mo yun?! Ay oo, WALA KA PALANG UTAK! Ay meron pala, ganito nga lang… OUCH!”

“Kahit bigyan mo pa ako ng libreng ticket magagalit pa ako sayo e.”

“naToni Gonzaga kana Lods Rendon Labador.”

“Dapat kc hindi mo lahat iniiwan even ung pinaka loyal mong empleyado para if ever ikaw naman ang mangailangan darating at darating silang mga taong pinakisamahan mo ng tunat at Maganda…just sayin peace.”

Baka Bet Mo:  Rendon Labador binanatan si Coco Martin: ‘Hindi ka ba talaga nakakaintindi?’

“Grand opening to Grand closing real quick.”

“Ipamigay mo na LNG ticket ng bar mo lods…Eh nasasayangan kasi sa 2k pambili din yun ng bigas at needs sa bahay…kaya ilibre mo na lang mga tao masisiyahan pa sila sa tulong mo. Wag kang ma disappoint kasi blessing sayo yan na mas lalo mo imotivate ang sarili mo sa ganitong pandemya.”

Da hu ba si Rendon Labador?

Siya lang naman ‘yung nagtutungyaw sa kanyang social media account at binabatikos si Coco Martin dahil marami daw hindi makapagtinda kapag may taping ito ng “Batang Quiapo”.

“Mag open pa lang pero sarado na agad HAHAHAHAHA the design is very Goods by Brenda hahahahaha.”

Nagsalita na si Coco at sinabing walang silang nilalabag na batas sa kanilang taping. May permit sila sa City Hall at maging sa barangay na nasasakupan ng kanilang taping.

Related Chika:
Ogie Diaz tinalakan si Rendon Labador: Huwag natin pairalin yung pagiging siga

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rendon Labador muling bumanat kay Coco Martin: Settle niya muna siguro ang issue niya sa mga vendors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending