Toni Gonzaga welcome pa rin sa ABS-CBN kahit nag-resign na dahil sa pagsuporta kay Bongbong Marcos
TRULILI kaya na anytime ay puwedeng-puwede pa ring bumalik si Toni Gonzaga sa Kapamilya Network?
Ito ang nakuha naming tsika sa aming source na hindi tinanggal o inalis si Toni bilang talent ng ABS-CBN kundi siya ang nag-resign sa pamamagitan ng social media.
Nangyari ito noong mag-host ang aktres sa proclamation rally ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na ginanap sa Philippine Arena noong Pebrero, 2022.
Kaliwa’t kanan ang batikos kay Toni noon dahil tinanggap niya ang pagiging host sa mga UniTeam campaign rally gayung alam naman daw niya na ang ilan sa mga nasa partido ang nagpasara sa ABS-CBN.
View this post on Instagram
Nabasa lahat ng TV host-singer-actress at producer ang mga batikos sa kanya ng netizens kaya na-provoke siyang mag-resign bilang host ng “Pinoy Big Brother” at inirekomenda si Bianca Gonzales-Intal bilang kapalit niya.
At dito rin umugong ang balitang sa pag-aaring TV network ni dating Sen. Manny Villar ay may sigurado na raw puwesto na si Toni.
Anyway, ayon sa aming source, “Nagkaroon na ng pag-uusap ang mga bosses ng ABS at si Toni na welcome siya anytime, pero siyempre as of now ay wala namang offer pa.
“Kaya hindi pa uli nakikita si Toni sa bakuran ng ABS-CBN. Abangan na lang kasi nakipag-meeting din si CLK (Carlo Lopez Katigbak) kay BBM at alam naman natin kung tungkol saan ‘yun. Mahal ng ABS si Toni,” sabi pa.
Sa kasalukuyan ay abala muna si Toni sa kanyang YouTube channel na “Toni Gonzaga Studio.”
https://bandera.inquirer.net/308157/kaladkaren-pwede-nang-ituloy-ang-naunsyaming-pagpapakasal-sa-kanyang-british-fianc-sa-uk
https://bandera.inquirer.net/285509/ruby-hindi-nag-resign-sa-bulaga-ang-makakasagot-lang-kung-tinanggal-ako-o-hindi-ay-sila
https://bandera.inquirer.net/284271/marjorie-kina-claudine-at-greta-its-just-gonna-be-more-peaceful-kung-hindi-bati
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.