Aktres na ina ng anak ni Baron kilalang-kilala ni Cristy Fermin

Aktres na ina ng anak ni Baron Geisler kilalang-kilala ni Cristy Fermin

Reggee Bonoan |March 22,2024
facebook
share this

Aktres na ina ng anak ni Baron Geisler kilalang-kilala ni Cristy Fermin

Reggee Bonoan - March 22, 2024 - 06:00 AM

Aktres na ina ng anak ni Baron Geisler kilalang-kilala ni Cristy Fermin

Cristy Fermin at Baron Geisler

PALAISIPAN sa mga nakapanood ng “Showbiz Now Na” vlog nina Nanay Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika kung sino ang ina ng panganay ni Baron Geisler.

Inamin ng aktor sa panayam sa kanya ng “Ogie Diaz Inspire” vlog kamakailan na may isa pa siyang anak na babae na isinilang noong bata-bata pa siya.

Nagkuwento si ‘Nay Cristy sa “SNN” na kilala niya ang ina ng anak ng aktor pero hindi niya binanggit ang pangalan bilang respeto dahil nakiusap na huwag siyang pangalanan.

May petsang Oktubre 5, 2008 nang i-report ni ‘Nay Cristy sa “The Buzz” ang isang kilalang personalidad na nagsilang ng sanggol na babae dalawang taon na ang nakararaan.

Baka Bet Mo: Baron Geisler viral na naman: Sinong kailangang i-rehab?

Nangyari ito sa ospital na matatagpuan sa pagitan ng Mandaluyong at Pasig at pumasok ito ng alas-dose ng hatinggabi at inoperahan siya kinaumagahan.

Binanggit ding gumamit ng ibang pangalan ang kilalang personalidad at hindi niya iniuwi sa bahay nila ang nasabing sanggol bagkus ay pinaalagaan niya ito sa kaibigang aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


At pagkalipas ng ilang buwan ay ipinahatid nito ang bata sa bahay nila at ipinakilala sa mga anak nila ng karelasyon niya na “ampon” niya.

Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan noon ang ina ng sanggol na babae at “The Buzz” host dahil nga ini-report ito sa pamamagitan ng blind item.

Base sa kuwento ni ‘Nay Cristy sa “SNN”, “Kinausap ko ‘yung ina ng itinuturing na panganay ni Baron Geisler, hindi pa kasi kasagsagan ng social media noong 2008 pero matindi na ito (at) gumawa na ito ng napakalakas na ingay sa buong mundo ng showbiz talaga.

Baka Bet Mo: Baron ikinumpara sa ABS-CBN ang pagiging ama: Very sweet, kalmado ako

“Sabi ko (sa nanay ng anak ni Baron) noong 2010 humingi ka ng tawad sa akin kinausap moa ko (ay) pinatawad kita.  Tinanggap mo kung anuman ang pinagsigalutan nating dalawa ngayon bayaran mo naman ako kasi 16 na taon ang pinalipas bago dumating ang bendikasyon,” sabi ni Nanay Cristy.

Sabi agad ni Romel Chika, “First time mong maningil, ha?”

“Oo, ‘yung vindication kailangan kong maningil para naman po maitayo ko ‘yung kredibilidad kong sumasayaw-sayaw sa loob ng 16 na taon.

“Ang sabi niya sa akin (nanay ng panganay ni Baron), ‘wag na wag mo lang nanay babanggitin ang pangalan ko.’ Oo humihingi lang ako sa ‘yo ng respeto, bumubusina ako para maitatawid namin ito sa SNN at sa CFM ng hindi naming binabanggit ang pangalan mo,” kuwento ng host kung bakit niya kailangang maningil.

Natanong din ni ‘Nay Cristy ang kilalang personalidad kung nagkita na sina Baron at ang anak nila at niregaluhan pa ito ng aktor ng alahas na ayon sa birthstone nito at cake.

Nagulat si Nanay Cristy sa sagot ng ina ng dalagitang anak ni Baron, “Wala akong alam! Wala akong pakialam!  Hindi ko siya sinusundan (o) hindi ko siya pina-follow, mag-isa kong pinalalaki ang mga anak ko. Diyos lang ang katabi ko sa pagpapalaki ko sa kanila hindi ko alam ‘yung sinasabi niya.”

Napaisip bigla ang “SNN” host kung bakit pagkalipas ng 16 na taon ay saka lang nagsalita si Baron para lamang ilantad ang anak nila ng isang aktres.

Sagot daw ng kilalang personalidad, “Kasi mayroon siyang pelikula, ‘wag niya akong gagamitin sa promo ng pelikula niya!”

Dagdag pa, “Hindi po namin papangalanan kung sino ang aktres na tinutukoy na ina ng anak ni Baron Geisler pero sinabi naman ni Baron sa panayam (kay Ogie) na, ‘when everything is okay kapag maayos na (ay) magkikita na ulit sila ay babawi siya ng panahon.

“Gusto raw niyang (Baron) magkaroon ng partisipasyon sa paglaki ng anak, pero disiotso na ito ngayon, eh (kaya) mahabang panahon ang kanyang hahabulin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinasalamatan ni ‘Nay Cristy ang aktres dahil tahimik na ang buhay nito ngayon at wala nang panahon para i-entertain ang ganitong klase ng usapin dahil tahimik na siyang nagtatrabaho at napakaraming iniwang problema ng asawa nito at nirerespeto iyon ng “SNN” host.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending