Baron Geisler umamin, may isa pang anak na babae

Baron Geisler umamin, may isa pang anak na babae

Therese Arceo |March 16,2024
facebook
share this

Baron Geisler umamin, may isa pang anak na babae

Therese Arceo - March 16, 2024 - 03:33 PM

Baron Geisler umamin, may isa pang anak na babae

Baron Geisler

PASABOG ang naging rebelasyon ng batikang aktor na si Baron Geisler ukol sa pagkakaroon niya ng isa pang anak na babae.

Sa kanyang panayam sa komedyante at talent manager na si Ogie Diaz na mapapanood sa kanyang YouTube channel ay napag-usapan ng dalawa ang mga isyung kinaharap ng aktor.

Sa isang bahagi ng interview ay napaamin ni Mama Ogs si Baron tingkol sa isa pa niyang anak na babae maliban sa anak nila ng asawang si Jamie Evangelista.

“Madaling malaman kung nagsisinungaling [ako]. Di ba? When I speak the truth, I speak the truth. When I lie, I lie.

Baka Bet Mo: Baron Geisler nagsayang ng P1M noon para sa iligal na droga

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“I have someone out there. I have a kid out there, another one. I hope someday when things are okay, we’ll get to talk with her here [sa vlog mo]. Katabi ko na siya dito. ‘Hi anak! Kumusta?'” lahad ni Baron.

Nilinaw pa nga ni Ogie kung babae ito dahil sa sinabing “her” ng aktor na siyang kinumpirma naman ng huli.

Aware naman ang asawa ni Baron sa pagkakaroon nito ng anak sa iba.

Sa tanong kung may nararamdaman ba siyang guilt na hindi siya kasama sa paglaki ng kaniyang anak, halo halo raw ang kanyang emosyon ukol rito.

“Happy ako na lumaki siyang hindi niya naranasan ‘yung kapangitan ng ugali ko, kabalastugan ko. Pero lonely and sad because I didn’t get to hug her or see her grow up or talk to her or play with her,” sagot ni Baron.

Pero naniniwala raw siya sa kasabihang “Everything happens for a reason”.

Na-meet na rin daw ni Baron at ng asawa niya ang kanyang anak.

Isa pa raw sa rason kung bakit maayos niyang nagampanan ang role bilang si Rustin sa pelikulang “Doll House” ay dahil dito.

“Kaya naka-relate ako kay Rustin dun sa Doll house. ‘Dun ako humugot. Kasi ang huling beses ko siyang nakita, five or six years old siya. And then, biglang dalaga na siya,” chika pa ni Baron.

Dagdag pa niya, “Natuwa ako, naiyak ako noong nag-reach out siya sa akin. Pero hindi ko pinakitang umiyak ako. Parang nonchalant kasi kinausap ako ng wife ko na ‘O, wag kang creepy a! Relax ka lang! Cool ka lang.'”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabi rin ni Baron na concerned daw ang kanyang panganay nang biglang may negatibong balita na naman sa kanyang ama.

Sa ngayon ay busy lang daw sila parehas dahil focus niya ang career at focus naman ng anak ang pag-aaral pero nangangako siyang babawi sa anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending