Baron Geisler nagsayang ng P1M noon para sa iligal na droga

Baron Geisler nagsayang ng P1M noon para sa iligal na droga

Therese Arceo |January 23,2024
facebook
share this

Baron Geisler nagsayang ng P1M noon para sa iligal na droga

Therese Arceo - January 23, 2024 - 07:43 PM

Baron Geisler nagsayang ng P1M noon para sa iligal na droga

Baron Geisler

AMINADO ang aktor na si Baron Geisler na nagsayang siya ng P1 million noon para lang sa ipinagbabawal na droga.

Sa kanyang panayam sa writer na si Kobe Adam  JoshuaLaurena ay inamin niyang gumastos siya ng malaking halaga para sa droga.

Chika kasi ni Baron, noon raw talaga ay hindi niya alam kung paano maayos na hahawakan ang kanyang pera.

Mabuti na nga lang daw ay nagkaroon siya ng financial guidance mula sa kanyang manager na si Arnold Vegafria na nagturo sa kanya na i-invest ang mga perang kinikita.

‘O, Baron, once makuha natin itong pera sa ad, i-ano mo na ito ha,college insurance para kay Tali para wala na kayong iisipan na babayaran,'” payo sa kanyang manager.

Grateful rin siya sa mga patnubay sa kanya.

Baka Bet Mo: Baron Geisler proud sa 1st investment sa showbiz: ‘Dapat mapunta talaga sa tama’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“So, yun yung gusto ko, gina-guide kami kung papaano mag-ipon, kung paano idiskarte yung pera na makukuha namin sa pagtatrabaho. Kasi blood, sweat, and tears talaga, so dapat mapunta sa tama,” lahad ni Baron.

Isiniwalat rin niya na nagsayang siya ng isang milyon para sa cocaine.

“Hindi katulad noon, may P1 million ako, bibilhin ko iyan ng cocaine worth P1 million. Ganyan ko tinatapon ‘yung pera, and hindi ko maintindihan kung papaano humawak ng pera noon,” pagbabahagi ni Baron.

Ang rebelasyon ng aktor ay kasunod nang kanyang pagbabahagi patungkol sa kanyang kauna-unahang investment.

Ang investment na tinutukoy ni Baron ay ang bahay sa Cebu na 85% na raw na tapos. Dito rin sila nag-celebrate ng bagong taon kasama ang pamilya.

“I’m just so blessed and grateful na ito ‘yung first sa pagkahaba-haba, pagkatanda-tanda ko na sa showbiz, ngayon ito ‘yung first investment ko,” lahad ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Binili nga raw ni Baron ito para sa kanilang anak ni Jamie Evangelista na si Talitha.

Aniya, “Nung dumating po sa akin ‘yung pera na ‘yun, talagang nilaan ko po talaga sa bahay para sure ball na, na may investment kami na puwede ibigay kay Tali ‘pag wala na kami.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending