Ogie Diaz sa mga anak: Pag inanakan lang kayo ng lalake, dito kayo sa amin
“HINDI ako palaasang tao. Lalo na kung sanay akong magtrabaho at dumiskarte para mabuhay,” ang pahayag ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz.
Bahagi yan ng mahabang mensahe ni Papa O tungkol sa mga hugot at life lesson na natutunan niya bilang asawa at isang padre de pamilya.
Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ng online host at vlogger kung ano ang pinaka-goal niya ngayon sa buhay at kung bakit siya nagtatrabaho ngayon nang bonggang-bongga.
“Alam n’yo kung ano’ng goal ko sa buhay? Na hindi dumating ang panahong ako ang bubuhayin ng mga anak ko.
Baka Bet Mo: Aljur burado na ang ‘breaking silence’ post; Kylie magsasalita na!
“O, wag magtaas ng kilay ang umaasa sa mga anak, ha? Normal naman yan. Saka natutuwa ako sa mga anak na hindi pinababayaan ang mga magulang at sila na yung umaako ng (mga) responsibilidad sa loob ng bahay, lalo na sa mga magulang,” ang simula ng FB status ni Papa O.
Patuloy niya, “Anyway, goal ko naman ito — magkakaiba tayo ng goal pagtanda natin. Pero ako, ang pinag-iipunan ko ay ang pagtanda namin ni esmi, pre. (Wow! Barakong-barako yung ‘esmi, pre’).
View this post on Instagram
“Eversince kasi, di naman ako palaasang tao. Lalo na kung sanay akong magtrabaho at dumiskarte para mabuhay.
“(So ano ipinambubuhay mo sa mga anak mo? Pagiging Marites mo?) I’m sure, me magko-comment ng ganyan kaya sasagutin ko yan. ‘Oo. Yun nga.’ O eh di tapos na ang usapan. Hahaha!
“Eh yun naman ang gustong palabasin ng ibang fans kong bashers eh. Eh di ibigay ko kaligayahan nila,” birong chika ni Ogie.
Baka Bet Mo: Regine, Robi napag-tripan ang larawan ni Vice Ganda sa ABS-CBN hallway: Hindi n’yo masyadong mapagtanto kung…
“But seriously, magandang goal yon ng isang parent — yung may ipon, nakapagpundar — kaya di aasa sa mga anak.
“Not even ako o kami ng misis ko, titira o makikitira sa mga anak naming may sarili nang pamilya? No!
“Bumukod kayo. Magsarili kayo. Gumawa kayo ng sarili nyong buhay. In short, pinili nyo yan, panindigan nyo yan. Matutuwa kami pag okay ang buhay nyo.
“Ang goal ko ay ayokong masumbatan, pagalit-pagalitan ng mga anak namin kasi sila ang bumubuhay sa amin ng mama nila at lulunukin na lang namin ng mama nila ang lahat ng sinasabi nila,” aniya pa.
Sey pa ni Ogie, “Basta ang assurance lang na kaya naming ibigay eh pag iniwan kayo o inanakan lang ng lalake, dito kayo sa amin. Kaya nga i told my kids, mas mahal ang annulment process kesa sa wedding, kaya pag-isipang mabuti. Wag yung masaya kayo ngayon ng dyowa mo, kasal na agad. No! Kilalanin nyo ang isa’t isa. Wag kayong magmadali. Hindi pa kayo mamamatay bukas.”
Ang palagi raw niyang sinasabi sa mga anak niyang puro babae, “Pilitin n’yong makatapos ng kolehiyo, hindi yan para sa amin ng mama n’yo, para yan sa future n’yo. Panakot n’yo yan sa lalake para di niya kayo pagmalakihan na wala kayong ibang alam sa buhay kundi maging asawa at ina ng kanyang mga anak.”
“At doon ako nanggagaling bilang tatay ng mga anak ko. Kaya ako nag-iipon. Kaya ako nagpupundar. At kaya sila may perang nakatago sa akin kasi ayokong dumating yung time na palalayasin ko yung anak ko at pababalikin ko sa asawa nila kasi wala rin kami ng mama nila.
“Dito kayo sa amin, kasi kami ng mama nyo ang hindi mang-iiwan sa inyo kahit pa dumating pa yung panahon na hindi nyo na kami maalala dahil masaya kayo sa family nyo,” pagbabahagi pa ni Papa O.
Sa huling bahagi kanyang FB post, bigla raw niyang naalala ang nanay niya, “Sabi niya sa akin noon, ‘Mas gusto kong hindi ko nakikita ang mga kapatid mo na pumupunta sa akin.’
“And then i asked why, ‘Kasi, pag di ko sila nakikita, ibig sabihin, wala silang problema. Maayos ang buhay nila.’”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.