Regine, Robi napag-tripan ang larawan ni Vice Ganda sa ABS-CBN hallway: Hindi n'yo masyadong mapagtanto kung... | Bandera

Regine, Robi napag-tripan ang larawan ni Vice Ganda sa ABS-CBN hallway: Hindi n’yo masyadong mapagtanto kung…

Therese Arceo |September 10,2022
facebook
share this

Regine, Robi napag-tripan ang larawan ni Vice Ganda sa ABS-CBN hallway: Hindi n’yo masyadong mapagtanto kung…

Therese Arceo - September 10, 2022 - 09:16 AM

Regine, Robi napag-tripan ang larawan ni Vice Ganda sa ABS-CBN hallway: Hindi n'yo masyadong mapagtanto kung...

ALIW na aliw ang mga netizens sa naging Instagram post ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez nitong Huwebes, Setyembre 8.

Sa naturang IG post ay kasa-kasama niya ang “Idol Philippines” season 2 host na so Robi Domingo.

Kuha ang larawan nina Regine at Robi sa gitna ng ABS-CBN hallway kung saan naka-display ang larawan ni Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Si Vice ay dating kasama ni Asia’s Songbird bilang isa sa mga judges sa “Idol Philippines” noong season 1.

“Yung hindi nyo masyadong mapagtanto kung nagagandahan kayo sa mayaman nyong office mate o balak nyo lang utangan,” bahagi ng caption ni Regine.

Nag-comment naman ang kasama niya sa larawan na si Robi.

“[praying hands, face with tears of joy emojis] tayo ay humingi ng kahilingan sa birtud,” sey ng Kapamilya TV host.

Nag-reply rin naman si Vice sa post ni Regine at pabirong binigyan ng basbas ang dalawa.

“Sumainyo ang kapangyarihan ng Mahal na Bertud! [zany face emojis]” sakay ni Vice sa trip ng mga kaibigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)

Matatandaang si Madam Bertud ay isa sa mga naging karakter ni Vice sa isang segment ng Kapamilya noontime program na “It’s Showtime”.

Napa-react rin ang ibang mga Kapamilya artists gaya ng mga co-hosts ni Regine sa “Magandang Buhay” na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros maging si Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano.

Marami rin sa mga netizens ang nag-comment sa IG post ng asawa ni Ogie Alcasid.

“Yung isang officemate nyo ate utangan nyo din yung pogi, yung Piolo,” comment ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Kay Mr. CEO ka mangutang tiyak pauutangin ka yun tas hindi pa pababayaran basta ikaw.”

Related Chika:
Regine Velasquez nagsalita na sa chikang hiwalay na sila ni Ogie

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Robi umaming selosong dyowa: Parang napapraning ako!

Ogie naging ‘kawawa’ raw nang pakasalan si Regine, nabawasan nga ba ang kasikatan?

Regine inireklamo ang socmed accounts na nakapangalan kay Nate: Sorry, I’m just trying to protect my son

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending