Ogie Diaz 'nanaginip', Bea at Dominic 'nagkabalikan'?

Ogie Diaz ‘nanaginip’, Bea at Dominic ‘nagkabalikan’?

Therese Arceo |February 21,2024
facebook
share this

Ogie Diaz ‘nanaginip’, Bea at Dominic ‘nagkabalikan’?

Therese Arceo - February 21, 2024 - 09:11 PM

Ogie Diaz 'nanaginip', Bea at Dominic 'nagkabalikan'?

MARAMI ang natuwa at looking forward na sana ay magkatotoo ang “napanaginipan” ng talent manager na si Ogie Diaz.

Sa latest upload kasi ng kanyang “Showbiz Update” ay ibinahagi niyang napanaginipan niyang nagkabalikan sina Dominic Roque at Bea Alonzo.

“Si Dominic at si Bea, napanaginipan ko, ayon sa panaginip ko na inaayos… inaayos nila na maging okay sila ulit. Panaginip lang naman ito ‘no,” pagbabahagi ni Ogie.

Pagpapatuloy niya, “Napanaginipan ko na si Dominic saka si Bea nagkita bago mag-Singapore si Bea. Di ba nag-Singapore si Bea? Bago mag-Singapore si Bea nagkita sila.”

Diin pa ni Ogie, ito raw ay panaginip lang naman at walang kumpirmasyon.

“Si Dominic pumunta sa bahay ni Bea bago mag-Singapore. Tapos, pilit nilang inaayos ang problema,” sey ng talent manager.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz sa mga nagtatanong: Wala po akong galit kay Bea

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“So nag-usap sila. Ok na sila,” chika pa ni Ogie.

Takang tanong naman ni “So ok na sila? Bati na sila?” tanong naman ni Mama Loi.

“Okay na sila. Kaya nga nila nabuo ‘yung statement,” sabi pa ni Ogie.

Sa tanong naman kung nagkabalikan na sila, hindi raw ito masasagot ng talent manager.

Chika pa ni Ogie, “‘Yan ang di ko pa masabi kung nagkabalikan sila. Basta nagkaayos na sila.

“Kaso Loi, dun sa panaginip ko, nakarating sa mommy ni Bea Alonzo na nagpunta dun si Dominic… parang pinagsabihan si Bea. ‘Yun ay sa panaginip ko lang naman. Tapos nung nag-Singapore na sila, pag-uwi, nagkita rin ulit si Bea at Dominic.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chika pa nga ni Ogie, habang nananaginip siya tungkol sa dalawa ay kinikilig siya

“Dumalaw ulit si Dominic sa bahay, pero ang nakakaloka nito Loi, habang nananaginip ako, kinikilig ako kasi sa panaginip ko, nagkabalikan sila.

“Sa panaginip ko lang ‘yun a. Sana sa tunay na buhay ‘no? Sana kahit hindi panaginip, sila pa rin no?” hiling pa ni Ogie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending