'Dominic Roque napakaselan mo, napakasensitibo mo! - Cristy

‘Dominic Roque napakaselan mo, napakasensitibo mo! – Cristy Fermin

Reggee Bonoan |February 21,2024
facebook
share this

‘Dominic Roque napakaselan mo, napakasensitibo mo! – Cristy Fermin

Reggee Bonoan - February 21, 2024 - 06:13 PM

'Dominic Roque napakaselan mo, napakasensitibo mo!' — Cristy Fermin

Cristy Fermin at Dominic Roque

TINALAKAN ng batikang manunulat at premyadong host na si Nanay Cristy Fermin ang ex-fiancé ni Bea Alonzo na si Dominic Roque.

Sa nauna naming artikulo tungkol sa naging sagot ni Nay Cristy sa inilabas na official statement ni Dominic tungkol sa  isyu sa kanila ni Mayor Bullet Jalosjos, humingi siya ng “resibo” o ebidensya sa mga abogado ng dating aktor na may binanggit siyang pangalan sa kanyang mga vlog.

Partikular na tinutukoy sa naturang usapin ay ang blind item nina Nay Cristy tungkol sa napakamahal na condo unit na tinitirhan ngayon ni Dominic na pag-aari nga ni Mayor Bullet.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Puro katanungan po iyon, wala pong banggit ng anuman at napatunayan ko po na ang condo unit na iyon ay nakalagay sa pangalan ng isang politiko, walang banggit ng pangalan at puro katanungan po iyon,” depensa ng radio, TV at online host.

Baka Bet Mo: Apela ni Bullet Jalosjos: ‘Sana bigyan po kami ng chance, ang bagong stars ng Eat Bulaga’

Sa pagpapatuloy ng aming artikulo, pinagsabihan naman ni Nay Cristy si Dominic sa pag-iisyu ng opisyal na pahayag na idinaan pa sa kanyang mga abogado.

“At ngayon Dominic Roque napakaselan mo, napakasensitibo mo, public figure ka pero lumalabas dito sa ipinalabas mong opisyal na pahayag sa pamamagitan ng iyong mga abogado na ayaw mong may naririnig at nababasa na para sa iyo ay hindi kagandahan na kuwento. Hindi pupuwede ‘yun!

“Pinasok mo ang mundo ng showbiz, nasa lokal na aliwan ka. Kapag ipinasok mo ang isang paa mo rito kasunod ang kabila, ‘yung kapribaduhan na hinihingi n’yo ni Bea (Alonzo) maramot sa inyo ‘yun, hindi kayo pagbibigyan ng kapalaran, kapag hiningi ninyo ang kapribaduhan (ay) mabibigo kayo,” pahayag pa ng TV host.

“Unang-una public figures kayo huwag na nating gamitin ang public property kasi may sariling buhay kayo, pero pigura kayo ng showbiz anumang nangyayari sa buhay n’yo ay para kayong isda sa aquarium tinititigan kayo.

“Bawa’t paling ninyo, bawa’t galaw ninyo mapapansin lalo na si Bea Alonzo, ikaw Dominic hindi ka pa nga gaanong sikat.  Ang totoo, kuminang ang pangalan mo dahil kay Bea Alonzo, magpakatotoo tayo hindi ako magtatago sa ilalim ng carpet.

“Kuminang ang pangalan mo dahil kay Bea Alonzo tapos ikaw pa ang magiging ganito kaselan? Ganito kainosente?  Ganito kapili ng mga gusto lang marinig at mabasa? Unang-una walang malisya Dominic ipinagtatanggol ka pa namin!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ako mismo ipinagtatanggol kita, ayokong-ayoko na ang isang lalaki ay ninanakawan ng pride ng isang babae!  Naririnig n’yo ‘yan (at) napapanood ninyo ang aking mga sinasabi at malalaman mo na kinokontra ko ang mga taong nangmamaliit ng kapwa. Hindi pupuwedeng magkaroon ng malisya hindi kita sinisiraan, ‘yun ang napakalinaw,” patuloy na paliwanag ng beterana at premyadong manunulat.

Nabanggit din ni ‘Nay Cristy na kinokontra rin niya ang bashers na nangmamaliit kay Dominic dahil mas lamang si Bea pagdating sa estado sa buhay kaya sabi ng host.

Baka Bet Mo: Tito Sen ayaw magpa-interview kay Boy Abunda tungkol sa kontrobersyang bumabalot sa Eat Bulaga?

“Lagi kong ipinagtatanggol ang iyong estado sa buhay na hindi pera ang simula at wakas ng isang relasyon!  Hindi pera ang barometro ang kaligayahan ng magiging mag-asawa.

“Kung meron mang pera ang babae at wala ang lalaki tatanggapin niya dapat ‘yun ‘yung kakulangan at kalabisan ng kanyang minamahal tanggap niya dapat ‘yan dahil ang libro ng pag-iibigan ay hindi nagtatago ng mga kapintasan at mga kakulangan,” sabi pa.

Inamin din ni Nay Cristy na sa lahat ng laban ni Bea ay kasama siya at may hawak siyang armas para ipagtanggol ang aktres dahil alam niyang nasa tama ito at hindi siya kakampi sa mali.

Going back to ex-congressman Bong Suntay at Mayor Bullet Jalosjos na nagpa-interview ay nakukuwenstiyon na nga ang kanilang kasarian.

Kaya si Dominic ay nanghingi ng paumanhin kay Mayor Bullet at sa pamilya nito dahil nadamay pa sila sa malisyosong isyu.

“Nasaan po ang pangalan ni Mayor Bullet Jalosjos mula ng aking salatin ang kuwento tungkol sa hiwalayang Bea at Dominic Roque?  Walang-wala silang maituturo,” diin ulit ni Nay Cristy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig nina Dominic, Ginoong Bong Suntay at Mayor Bullet Jalosjos sa ginawang paglilinas ni Nay Cristy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending