Hamon ni Cristy sa abogado ni Dominic: Maglabas kayo ng resibo!

Hamon ni Cristy Fermin sa abogado ni Dominic: Maglabas kayo ng resibo!

Reggee Bonoan |February 21,2024
facebook
share this

Hamon ni Cristy Fermin sa abogado ni Dominic: Maglabas kayo ng resibo!

Reggee Bonoan - February 21, 2024 - 04:22 PM

Hamon ni Cristy Fermin sa abogado ni Dominic: Maglabas kayo ng resibo!

Cristy Fermin, Dominic Roque at Bea Alonzo

“MAGLABAS po kayo ng resibo sa anuman pong labanan kahit sa korte, na ako ang nagbanggit ng pangalan ni Mayor Bullet Jalosjos!”

Ito ang hamon ni Nanay Cristy Fermin sa mga abogado ng Fernandez & Singson Law Offices na naglabas ng official statement bilang kinatawan ni Dominic Roque.

Sa nasabing official statement na inilabas kahapon ng legal counsel ng ex-fiancé ni Bea Alonzo ay ilang beses nabanggit ang pangalan ni ‘Nay Cristy na umano’y naglabas ng isyu tungkol sa nagmamay-ari ng condo unit na tinitirhan ni Dominic.

Baka Bet Mo: Bullet Jalosjos masaya para sa TVJ, susuporta at manonood sa bagong show sa TV5

Ipinagdiinan doon na may malisya ang pagkaka-report ni ‘Nay Cristy sa mga vlogs nitong “Cristy Ferminute” at “Showbiz Now Na” na naka-upload sa YouTube channel na pati ang pangalan ni dating Cong  Bong Suntay ay idinamay pa na sa pagkakaalam namin ay nabanggit lang ito dahil sa ineendorsong gas station ni Dominic na siya ang may-ari.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


May mga usapan kasi na kaya raw hindi natuloy ang kasal nina Bea at Dom ay dahil mas may pera ang aktres na nagtulak kay ‘Nay Cristy para tanungin ang ex-fiancé ng dalaga kung ano ang trabaho nito, sino ang kanyang boss at kung totoong walang pera ang binata, at paano niya naa-afford tumira sa isang condominium unit na malaki ang renta.

Sabi pa ni ‘Nay Cristy, “Puro katanungan po iyon, wala pong banggit ng anuman at napatunayan ko po na ang condo unit na iyon ay nakalagay sa pangalan ng isang politiko, walang banggit ng pangalan at puro katanungan po iyon.”

Hanggang sa lumaki na ang isyu at marami na ang pumik-ap na iba-ibang bersyon na ang naglabasan na nalagyan na ng malisya at ang pinalalabas ay kay ‘Nay Cristy nagmula ang isyu.

Baka Bet Mo: Apela ni Bullet Jalosjos: ‘Sana bigyan po kami ng chance, ang bagong stars ng Eat Bulaga’

“May mga vloggers po na hindi nagpapakita ng mukha kundi boses lamang na kina-craft po ang aking mga sinasabi dito sa Cristy Feminute at Showbiz Now Na na nagkaroon ng salinbayang katwiran at dahilan tungkol diyan sa politiko na ‘yan,” sabi ng batikang host at manunulat.

Naging pahulaan na nga ang isyu kung sino ang politiko at marami na ang nagtatanong kay Nay Cristy kung sino iyom pero lahat ay hindi niya sinagot tulad nina Sen. Raffy Tulfo at Sen. Jinggoy Estrada.

Nagpalabas din ng past videos ang “CFM” para patunayang walang binanggit na pangalan si Nay Cristy tungkol sa owner ng condo unit ni Dominic.

Kaya paulit-ulit na sinasabi ni ‘Nay Cristy sa programa nila ni Romel Chika kaninang tanghali na “Cristy Ferminute” sa Radyo 5 92.3 TRUE FM na maglabas ng resibo ang kampo ni Dominic.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pagpapatuloy pa ng “CFM” host, “Maglabas po kayo ng resibo na binigyan ko ng malisyosong interpretasyon ang kanilang pagkakaibigan! Sino po ba ang pumiyok, sino po ba anng umamin?

“Hindi ba’t nagpa-interview nga sila ni Ginoong Bong Suntay at inamin niya (Bullet) na kanya ‘yung condo unit na pinatitirhan niya na 50% ang bayad ni Dominic Roque,” aniya pa.

Sa kasagsagan din ng pagbabalita ni ‘Nay Cristy ay sinabihan niya si Dominic ng, “Dominic alam mo na hindi imbento ang kuwentong ito, alam mo na hindi sa iyo ang condo unit na iyan na dapat ay sa iyo manggaling (linawin) bakit pinatagal mo pa kasi?

“Dapat ‘yan ay agad-agad na sinagot mo na, ‘Yes I do not own the unit. Ang may-ari nito ay si Mayor Bullet Jalosjos tapos ang kuwento! Ganu’n lang dapat!” dagdag pang punto ni Nay Cristy.

Patuloy pa niya, “Saka ‘yung paghihiwalay ninyo ni Bea Alonzo tiniwangwang n’yo rin ng matagal na panahon, binigyan n’yo ng malawak na daan, bintana, bubong ang mga reporters, ang mga vloggers/bloggers, ang mga bashers para panghimasukan ang break-up n’yo.

“Samantalang pupuwede n’yo namang linawin kung bakit ng aba kayo nagkahiwalay at bakit hindi na matutuloy ang kasal at ano ang tunay na dahilan.

“Naglabas kayo ng inyong pinagkasunduan na official statement pero wala kayong binanggit na dahilan.  Habang wala kayong binabanggit na dahilan kung bakit hindi matutuloy ang inyong kasal ang mga tanong ay hindi matatapos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang pagdalirot ng publiko sa mga nakatago na espasyo sa inyong lovelife, hindi pupuwedeng mahinto ‘yan ang kailangan diretso ninyong sabihin kung ano talaga ang tunay na dahilan,” ang sabi pa ni Nay Cristy kay Dominic.

Abangan ang part 2 ng matapang na pahayag ni Nanay Cristy hinggil sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending