Dominic Roque 'barkada' lang nina Bullet Jalosjos at Bong Suntay

Dominic Roque ‘barkada’ lang nina Bullet Jalosjos at Bong Suntay

Therese Arceo |February 20,2024
facebook
share this

Dominic Roque ‘barkada’ lang nina Bullet Jalosjos at Bong Suntay

Therese Arceo - February 20, 2024 - 03:28 PM

Dominic Roque 'barkada' lang nina Bullet Jalosjos at Bong Suntay
DINENAY nina Mayor Bullet Jalosjos at dating Congressman Bong Suntay ang mga kumakalat na chikang nag-uugnay sa kanila ng aktor na si Dominic Roque.

Sa kanilang sitdown interview na mapapanood sa Sentro Artista Philippines, isa-isa nilang sinagot ang mga isyung nagdadawit sa kanila sa recent break-up ng BeaDom.

Paglilinaw nina Mayor Bullet at former Cong. Bong na talagang kaibigan lang nila si Dominic na nagsimula sa passion nila sa pagmomotor.

“Almost more than 10 years na ang pagkakaibigan namin [nina Dominic]. Magbabarkada talaga kami. Nag-umpisa yan sa pagmomotor… from there, naging good friends kami.

“We started doing businesses, nagtutulungan kami kaya nakakapagtaka na umabot sa ganito na even ang genders namin ay pinagkakaguluhan na ngayon ng marami at nagtatanong kung talagang lalaki ba kami,” nakangiting sabi ni Mayor Bullet.

Chika nila, pinagtatawanan lang raw talaga nila ang mga lumalabas na isyu ngunit ngayon na raw siguro ang tamang panahon para linawin ang mga isyung nag-uugnay sa kanila sa paghihiwalay nina Bea at Dominic.

Dagdag naman ng dating congressman, “Sa barkadahan, nandyan rin ‘yung pagnanais mo na magtulungan and in fact,siguro itong isyu kung saan nadamay ‘yung pangalan ni Mayor Bullet at pangalan ko e dahil sa pagnanais naming matulungan ang kaibigan namin.”

Baka Bet Mo: SNN hosts nilinaw na ‘di pinangalanan ang politiko na nauugnay kay Dominic Roque

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Binigyang linaw rin ni Mayor Bullet ang diumano’y pagiging “sugar daddy” niya kay Dominic at ang pagbibigay nito ng condo sa kanya.

Lahad ni Mayor Bullet, “Clarify ko lang, actually ‘yung condo totoong akin talaga ‘yon. I’ve had it for wuite some time… Ginawa ko siyang airbnb but because of the pandemic, pinagbawalan kami i-open for airbnb.

“Syempre, as a friend, barkada, si Dom, asked me if I want to have it rented. E hindi ko naman ginagamit kasi I stay in Dapitan City now and I live in Alabang so siyempre ipapa-rent natin sa barkada natin for a good price.”

“Bakla na ako, matanda pa. Ano ba naman ‘yan!” natatawang biro pa ng alkalde ng Dapitan.

Baka Bet Mo: Bakit nadamay si Mayor Bullet Jalosjos sa hiwalayang Dominic at Bea?

Nagbigay babala rin si Mayor Bullet sa mga tao na ugaliin ang pagpa-fact check bago magbalita dahil responsibilidad nila ito sa publiko.

Nagpakita pa nga ang alkade ng resibo kung saan nag-send sa kanya ng pera si Dominic bilang bayad sa kanyang pagrenta sa condo.

Nilinaw rin ng former Congressman Bong ang chikang binigyan raw niya ng gasolinahan ang aktor.

Aniya, kinuha niya si Dominic bilang celebrity driver sa kanyang team ng Formula V dahil nangangarera ito at eventually ay ginawa na niya itong brand ambassador ng kanyang gasolinahan.

“Ako nung una natatawa. I was taking it lightly. In fact, sabi ko nga sa kaibigan ko, ‘Uy, ok to a. Nakakakuha ng free advertisement ang Clean Fuel’. Tsaka dumami ang followers ko,” sey ng dating congressman.

Pagbibigay diin pa niya, “Wala rin namang katotohanan na binigyan siya ng gasolinahan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Biro pa niya, kapag natapos na ang kontrata ni Dominic sa kanyang gasolinahan ay si Mayor Bullet na ang susunod niyang kukuning ambassador dahil talagang sumikat ito matapos maugnay sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending