SNN hosts nilinaw na walang binanggit na politiko

SNN hosts nilinaw na ‘di pinangalanan ang politiko na nauugnay kay Dominic

Reggee Bonoan |February 15,2024
facebook
share this

SNN hosts nilinaw na ‘di pinangalanan ang politiko na nauugnay kay Dominic

Reggee Bonoan - February 15, 2024 - 09:55 AM

Cristy hinamon na ang mga nagkakalat ng 'fake news' sa hiwalayang Bea, Dom

PHOTO: Instagram/@domincroque

KLINARO nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika kasama si Wendell Alvarez na wala silang binanggit na mga pangalan ng mga kilalang personalidad na nauugnay kay Dominic Roque.

May vloggers kasi na nagbanggit ng mga pangalan nina Albay 2nd District Representative Joey Salceda, dating Presidential spokesperson Harry Roque, dating congressman Bong Suntay, congressman Zandro Marcos at Senator Bong Go, Jr.

Sey ni ‘nay Cristy, “Ang dami-dami pong mga pangalan ng politikong nadamay na magmula nang ilantad ng SNN ang kuwento tungkol sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque. Hindi po kami nahihiya sa aming inilantad pero kami’y nalulungkot dahil ‘yun pong kwento namin ay pinulot po ng iba na para bang ‘yung iba ay pinulutan pa (SNN) ang napapasama ngayon.

“Palaging ‘ayon sa SNN, ayon kay Cristy Fermin’ sabi ko nga po ang mundo naman ay bukas para sa ating lahat para naman ang lahat ay masaya. Lahat ay kumikita, lahat ay maligaya sa kanilang trabaho.”

Dito nakiusap ang SNN host sa mga namimik-ap ng istorya ng SNN, “’yun po sanang pinulutan, ‘wag naman po nating ilagay sa alanganin!  Okay lang mag stick tayo sa isyu, walang problema, kaya lang wala pong kinalaman sa isyu (hiwalayang dom and Bea).”

Baka Bet Mo: Bea, Dominic kinumpirma na ang paghihiwalay: ‘This is extremely painful’

Nag-ugat daw kasi ito nang banggitin ni ‘nay Cristy sa SNN na ang may-ari ng tinitirhang condo unit ni Dominic ay isang politiko at siya rin ang boss ng dating aktor.

Ang mga politikong idinawit sa kuwentong ito, “unang-una na ay si Senator Bong Go, ako’y nagulat talaga. Mayroon pong isang vlogger naglakas ng loob na binaggit ang pangalan ni Senator Bong Go.

“San po nagmula dahil wala po kaming binanggit dito sa SNN o kahit sa CFM. I-rewind n’yo ang paulit-ulit.  Kahit i-rewind niyo po ang wala kaming nabanggit na pangalan.”

Tuloy naman ni Romel Chika, “binanggit pa ang pangalan ni congressman Joey Salceda, nakakahiya! Parang tinutukoy na siya pero walang parang direkta, inilalagay n’yo pa ang picture ni congressman, ‘yun ang nakakahiya! Bakit kailangang maglagay kayo hindi pa naman kayo sigurado?  Dapat may resibo kayo!”

“‘Yun naman ang hamon natin, maglabas nga kayo ng resibo, o text o pakikipag-usap. Si congressman Joey Salceda ay marami na kaming nalalamang kuwento tungkol sa kanya pero hindi po namin iyon pinanghihimasukan,” sey ni nanay Cristy.

Si Wendell naman ang nagbanggit sa ikatlong pangalan, “ang ikatlo ay si congressman Xandro Marcos.”

Susog ni ‘nay Cristy, “diyan ako nagulat, e, batang-batang politiko at alam naman nating may babae o may girlfriend. Tapos maraming nagsasabi na malamya.  Idinamay po ang anak ng ating pangulong BBM ano ang resibo ninyo?  Sila po ang nagbabanngit hindi po kami.”

Ang ikaapat na pangalang binanggit ay ang pag-aari ni dating congressman Salceda.

Si dating congressman na si Bong Suntay ay magkaibigan lang sila ni Dominic at may pag-aaring gasolinahan ang una at ginawang endorser ang huli.

Binanggit ni nay Cristy  ang pangalan ni Harry Roque na ikinagulat ni Romel Chika.

“Lahat po ng mga pangalan ng politiko ay hindi po namin nabanggit o hindi sa amin nagmula,” diin ni nanay Cristy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hinamon naman ni ‘nay Cristy ang ibang vloggers na namik-ap sa Showbiz Now Na. na maglabas ng resibo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending