Dominic nagkukulong sa condo; ipinagtanggol sa isyu ng pera

Dominic nagkukulong sa condo; ipinagtanggol ni Ogie Diaz sa isyu ng pera

Reggee Bonoan |February 12,2024
facebook
share this

Dominic nagkukulong sa condo; ipinagtanggol ni Ogie Diaz sa isyu ng pera

Reggee Bonoan - February 12, 2024 - 12:03 AM

Dominic nagkukulong sa condo; ipinagtanggol ni Ogie sa isyu ng pera

Bea Alonzo at Dominic Roque

HINDI raw naglalalabas ng condo unit niya ngayon si Dominic Roque base sa tsika ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog nila nina Mama Loi at Dyosa Pockoh.

Kuwento ni Ogie base sa kanyang source, “Madalas magkulong sa kanyang condo si Dominic at dinadalaw siya ng parents (o) family niya roon.

“May mga kaibigan si Dominic na tumatawag sa kanya para siya ay i-console (comfort), para siya ay lumabas para somehow ay makalimot. Pero ‘yung iba hindi niya pinagbibigyan, ‘yung iba pinagbibigyan niya,” ani Ogie.

Baka Bet Mo: Bea love na love si Dominic: Sobrang inaalagaan niya ako, pinagsisilbihan, hindi nga ako sanay, e!

Samantala, tinalakay nina Ogie at Mama Loi ang tungkol sa condo na pag-aari ng politiko. Inuupahan lang pala yun ni Dominic kaya marami ang nagdududa kung ano ang kapasidad niya para mabayaran ang renta nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


At saka binanggit ni Ogie ang ibang pinagkakakitaan ni Dominic tulad ng sariling production house.

“Kung matatandaan ninyo nu’ng panahon ng pandemic nag-video call kami ni Dominic at ipinakita niya sa akin ‘yung bahay niya, ‘yung interior ng condo at minsan nag-oopisina na rin siya ro’n.

“Kasi doon sa mga nakataas ang kilay at naghahanap kung ano ang pinagkakaabalahan ni Dominic kasi hindi naman siya aktibo sa pag-arte…

“Ang pinagkakaabalahan po niya ay ang kanyang production house na kinokomisyon ng mga brands para gumawa ng AVP (audio visual presentation), something like Gabay Kalikasan at pinakita pa sa akin ni Dominic ‘yun na sila (with this staff) ang gumagawa mismo.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo sa pagkakaroon ng mga anak kay Dominic Roque: ‘Yes, sayang naman ‘yung lahi, ‘di ba?’

“At nagpupunta sa nature-nature para ipagbunyi kung paano alagaan ang ating kalikasan. Isa lang ‘yun hindi lang naman AVP ang ginagawa nila may mga digital ads din silang ginagawa,” ani Ogie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sundot naman ni Mama Loi, “Ay malaki ang kita do’n ha.”

“Korek!” sabi kaagad ni Ogie.

Blackpeak Media Production daw ang pangalan ng production business ni Dominic.

“Yung iba kasi parang nilalait si Dominic, sinasabi nila kabit ng bakla, kabit ng mayaman,” giit ni Ogie.

Nabanggit na ‘yung tipo ni Dom na guwapo ay hindi raw talaga maiiwasang hindi pagdudahang kabit ng bakla o may gay benefactor.

“Yun nga sinasabi na dyowa si Dominic na hindi pa naman napapatunayan.  Tulad nu’ng condo na pag-aari ng isang politician na lalaki, ang sabi sa akin ni Dominic kinuha niya ‘yun nu’ng panahon ng pandemic kasi mababa ang upa.  Uupahan lang talaga niya ‘yung condo,” diin ni Ogie.

Dagdag pa, “May nakarating din sa akin na ‘yung isang bading ay business partner din niya na hindi ko kilala kaya kailangan makuha natin ‘yung list ng partners ni Dominic.

“Kaya inilalabas ito ay sinasabi kasi na si Bea ang bubuhay kay Dominic, mas mayaman si Bea kay Dominic, may sariling pera rin naman si Dominic,” aniya pa.

Nasambit ding may mga ineendorso rin ang binata tulad ng brand ng kape, inuming nakalalasing, brand ng soda at gasoline station.

“Malaki rin ang TF (talent fees) ni Dominic, pero siyempre sa yaman at yaman ay mayaman talaga si Bea Alonzo kesa kay Dominic, pero hindi natin inuuri ang tao kung anong properties meron siya para masabing mabuting tao ang isang tao,” sabi pa.

Binanggit din daw ng source ni Ogie na galante si Dominic kay Bea at hindi na inisa-isa ni Ogie kung paano naging galante ang ex-fiancé ng dalaga.

Pinabulaanan din ni Ogie ang tsikang si Bea ang nagbabayad sa mga travels nila ni Dom.

“Hindi naman totoo ‘yun, may pride o ego pa rin ang lalaki. Alam ni Dominic na may kaya si Bea pero para kay Dominic ay patutunayan niyang hindi ako after sa yaman mo, kaya nga willing si Dominic pumirma ng pre-nup, eh.

“Tsaka ‘yung Japan trip nila nitong huli (bago maghiwalay), sponsored trip ‘yun kaya binabanggit nila ‘yung nag-sponsor sa kanila kasi pino-promote nu’ng compant yung kanilang travel agency,” paliwanag ni Ogie.

At higit sa lahat ang halaga ng singsing na ibinigay ni Dom kay Bea ay nagkakahalaga ng tatlong milyon base sa source niya.

“More than 2 carats ‘yun,” sambit ni Mama Loi na inayunan ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Oo, galante si Dominic even to his family at habang nag-uusap tayo (ngayon) mahal pa rin ni Dominic si Bea,” say ni Ogie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending