Aiko napraning: Mader Ogie Diaz, please layuan mo muna kami

Aiko napraning sa lovelife: Mader Ogie Diaz, please layuan mo muna kami

Reggee Bonoan |February 08,2024
facebook
share this

Aiko napraning sa lovelife: Mader Ogie Diaz, please layuan mo muna kami

Reggee Bonoan - February 08, 2024 - 05:09 PM

Aiko napraning sa lovelife: Mader Ogie Diaz, please layuan mo muna kami

Ogie Diaz, Jay Khonghun at Aiko Melendez

MUKHANG maraming magkarelasyon ngayon ang ayaw munang ma-associate sa content creator at talent manager na si Ogie Diaz.

Ito’y matapos siyang tawagin ng mga netizens bilang “St. Ogie Diaz, Patron ng mga Hiwalayan.”

Dahil sa rami ng mga ibinalita nitong magdyodyowa na maganda naman ang takbo ng relasyon ngunit biglang naghihiwalay.

Nauna na sina Liza Soberano at Enrique Gil na itinatanggi naman dahil sa mga sinabi ng huli na “we’re good, we’re okay.” Pero pinanindigan ni Ogie na hiwalay na talaga ang dalawa base sa sinabi ng source niya.

Baka Bet Mo: ‘Mukhang high school’ photo ni Aiko viral na: Mahirap pero kung gugustuhin, kakayanin yan!

At kami rin ay naniniwala diyan dahil meron din kaming source na nagsabing umamin na ang aktor na may matindi siyang pinagdaraanan noon kaya tumanggi siya sa ilang projects.

Sinundan ito nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na later on ay umamin din, pati sina Kim Chiu at Xian Lim na umamin din sa huli.

Ang mag-asawang Kim Jones at Jericho Rosales na galing naman sa ninong nila sa kasal ang pag-amin. Anita, matagal nang hiwalay ang dalawa pero nananatiling magkaibigan. At ang huli nga ay sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kaya naman ang netizens ay nakatutok na lagi sa “Showbiz Update” vlog nina Ogie at Mama Loi kasama sina Tita Jegs, Ate Mrena at Dyosa Pockoh dahil inaabangan kung sino ang susunod na maghihiwalay sa showbiz.

Ang konsehala at aktres na si Aiko Melendez na mina-manage ni Ogie ay nag-post na sa kanyang Facebook account kaninang tanghali ng larawan niya.

Baka Bet Mo: Aiko: Hindi ako umaasa sa Hollywood, masaya at kuntento naman ako kung anong meron ako dito sa Pinas

Ang caption ay, “Mader Ogie Diaz kahit manager kita please layuan mo muna kaming mga nakakapit ng pagkahigpit-higpit sa aming mga relasyon (laughing face and praying hands emojis). Awit sabay-sabay sino dito ang nakakapit pa?”

Sa pagkakaalam namin ay anim na taon na ang relasyon nina konsehala Aiko at Congressman Jay Khonghun ngayong 2024 at sa kaslaukuyan ay parehong abala ang dalawa sa kani-kanilang mga nasasakupan bilang public servants.

Kaya sa tuwing tatanungin namin si Aiko kung napag-uusapan na nila ni Cong. Jay ang kasal ay kaagad naman itong sumasagot ng, “oo” kaya lang wala pa namang nagaganap na proposal.

Kaya may kinalaman tiyak ang post nitong pabiro na layuan muna siya ng manager niyang si Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness trending ang post na ito ni Aiko, huh! Umabot na sa mahigit 14,000  ang likes with matching laughing face at hearts emojis, 214 shares at almost 400 comments.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending