'Mukhang high school' photo ni Aiko viral na: Mahirap pero kung gugustuhin, kakayanin yan! | Bandera

‘Mukhang high school’ photo ni Aiko viral na: Mahirap pero kung gugustuhin, kakayanin yan!

Ervin Santiago - June 18, 2021 - 12:51 PM

BUMAHA ng hashtag #SanaAll comment sa social media matapos bumandera ang viral na ngayong litrato ng Kapuso actress na si Aiko Melendez.

Trending pa rin hanggang ngayon ang litratong ipinost ng premyadong aktres sa Instagram kung saan nakasuot siya ng blue shirt, denim shorts at rubber shoes with matching pa-cute na hair clip.

In fairness, high school student lang ang peg ng aktres sa itsura niya sa nasabing photo dahil sa pabata nang pabata niyang aura, kabilang na riyan ang kanyang kapayatan.

Maraming netizens, kabilang na ang mga kapwa niya nanay, ang napa-wow at napa-sana all sa mukha at katawan ng aktres. May mga nagsabi pa nga na sa unang tingin ang akala raw nila ay ang anak niyang si Marthena ang nasa litrato.

Tuwang-tuwa naman ang aktres sa mga nabasa niyang message sa social media lalo na nang malaman niyang trending at viral na ang nasabing photo.

“Hi Guys, thank you for making me trend yesterday and for the wonderful comments.

“But id like to make a correction for those online food delivery claiming about my weight loss. My Food is being delivered by Ketovegetarianph Let’s give the credit to them. 

“And also doing regular exercises at home. Thanks I’m happy to inspire a lot of people who almost gave up on their weight loss journey. It is never too late.

“Im also taking cacao drink to keep me healthy and younger looking. So sa lahat ng nagmessage sa akin salamat! Mahirap pero kng gugustuhin kakayanin naten yan. 

“Goodluck on your weightloss Journey! And yes wala po ako make up! My hair extensions added sa bata bataan na itsura,” sey ni Aiko sa kanyang appreciation post.

Sa isa naman niyang Instagram post, nagpasalamat din siya sa mga nagsabing siya ang inspirasyon ng mga ito ngayon sa kanilang fitness journey.

Samantala, nakachikahan namin si Aiko kahapon kasama ang iba pang members ng press na malapit sa kanya at dito nga niya nabanggit na tuloy na tuloy na ang book 2 ng hit Kapuso afternoon series na “Prima Donnas.”

Excited na si Aiko sa bagong yugto ng serye pero ayaw pa niyang sabihin kung kontrabida pa rin ba o magiging mabait na ang karakter niyang si Kendra Fajardo.

Bukod dito, may gagawin din siyang horror trilogy movie kung saan siya ang bibida sa isang episode. Ang  title nito ay “Huwag Kang Lalabas” na ididirek ni Adolf Alix.

Sey ni Aiko, sanay na sanay na siya sa mga lock-in shooting kaya madali na siyang makapag-adjust sa mga bago niyang project. At bakunado na rin siya kaya medyo nabawasan na ang pagkapraning niya sa pandemya.

“Kasi sa ‘Prima Donnas,’ nakadalawang lock-in na ako. Kaya sanay na ako sa lock-in. Itong movie na ito, hindi gaanong kahaba ‘yung lock-in ko. 

“’Yung paghahanda, ipauubaya ko na lang kay Direk Adolf. Kasi parang, bilang respeto sa kanya. Kasi ayoko naman  na..hindi porke’t  award-winning actress ka, didiktahan mo ‘yung direktor, ‘di ba? 

“Gusto ko pa ring ibigay ‘yung respeto sa kanya na baka naman mayroon siyang magandang idea ng pag-atake ko roon sa role na gagawin ko,” aniya pa.

“Sa first week of August naman, mag-i-start na kaming mag-taping for Prima Donnas book 2, hopefully, kapag wala nang aberya o hindi na mag-iiba ang protocol dito sa bansa natin. 

“Tingnan na lang natin sa book 2 kung bumait na ba si Kendra o lalong sumama. ‘Yun ang dapat nilang abangan,” pahayag pa ni Aiko.

Ibinalita rin ni Aiko na tuloy na ang muli niyang pagsabak sa politika sa 2022 kung saan tatakbo siya sa pagkakongresista sa District 5 ng Quezon City.

Of course, tutulungan siya ng kanyang boyfriend na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun sa pagbabalik niya sa public service na matagal na rin

Ano ang maipapangako niya para siguradong iboto ng mga taga-District 5 ng Quezon City?

“Public service,” sagot ni Aiko. “Sa experience ko sa public service, na huminto man ako ng ilang taon, wala naman akong iniwan na gulo o pangit na pangalan sa Quezon City. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At marami rin naman akong mga nagawang maganda sa distrito ko. Kaya malakas din naman ang loob ko na bumalik din sa naiwanan ko, dahil wala akong naiwan na hindi maganda,” giit ni Aiko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending