Ogie Diaz ‘patron’ ng mga marites

SHOWBIZ WRAPPED: Ogie Diaz ‘patron’ ng mga marites

Chris Gamoso |February 07,2024
facebook
share this

SHOWBIZ WRAPPED: Ogie Diaz ‘patron’ ng mga marites

Chris Gamoso - February 07, 2024 - 10:57 AM

Ogie Diaz

Ogie Diaz

MARAMING nagugulat sa sunud-sunod na hiwalayan sa showbiz ngunit kung ikaw ay tagasubaybay sa vlog ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz ay for sure hindi ka maa-out of place.

Sa naging breakup confirmation nina Bea Alonzo at Dominic Roque nitong February 6, naalala ng netizens ang naging chikahan nina Papa Ogs kasama si Mama Loi sa kanyang “Showbiz Update” vlog.

Ilan nga sa tampok na topic sa kanilang diskusyon ay ang mga hiwalayan ng celebrities. In fairness, tinitimbang naman nila with sources ang kanilang sinasabi kung posible o hindi na hiwalay na ang couple.

Sey ng maraming netizens, malakas, perpek, pulido, at trulili ang mga sources ni Ogie dahil after nilang pag-usapan sa vlog ay napapa-confirm ang mga artista.

Dahil nga rito ay binansagan siyang patron ng mga hiwalayan na nang-isplook umano ng mga juicy chika all over the universe!

So as your resident Marites sa online world, naglista kami ng ilan sa mga hiwalayang chika na narinig, pinag-usapan, at tinalakay nina Ogie.

Sa hiwalayang KathNiel: Once upon a time, naging ‘fake news peddler’

Ogie Diaz napatunayang hindi 'fake news', KathNiel fans handa na bang mag-sorry?

Ogie Diaz at KathNiel

MATATANDAANG unang narinig ang balitang hiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang ibalita ni Ogie ito sa kanyang vlog.

Bagamat sinabi niya noon na hindi pa confirmed at hangad niya na sana ay patuloy pa rin ang relasyon ng dalawa, marami sa mga KathNiel fans ang nainis sa iniulat nito.

Mas lalo pa ngang nag-trending ang talent manager nang i-chika niya ang umano’y pagkakaugnay ni Andrea Brillantes sa hiwalayan ng dalawa at ang patago umanong pagkikita ng dalawa dahil pati na rin ang fans ni Blythe ay pumalag na.

Binansagan pa nga si Ogie bilang “fake news peddler” ng mga ito at sinabing puro kasinungalingan ang ipinapakain sa pamilya.

Pinalagan naman ito ng talent manager at sinabing, “May naibalita lang kami na sinabi naman namin na di pa confirmed at sana di totoo, fake news peddler na raw kami. So pag tama ba kami, sasabitan nyo kami ng medalya?”

Pati ang kolumnistang si Cristy Fermin ay naawa sa talent manager dahil sa mga pambabatikos na natatanggap nito mula sa fans ng KathNiel at ni Andrea.

Ngunit noong November 30, 2023, tuluyan nang nakumpirma mismo ni Kathryn na totoong wala na sila ni Daniel at napatunayang may katotohanan ang mga naunang pahayag ng talent manager hinggil sa relasyon ng dalawa. Read more…

Ang pagkawasak ng relasyon ng KimXi

Xian Lim kay Kim Chiu: 12 years of my life with you was the best gift

Xian Lim at Kim Chiu

MISMONG source raw ni Ogie ang nagkumpirma na matagal nang hiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim, ayon ito sa iniulat namin noong December 13, 2023.

Ito’y matapos ngang burahin ng Kapuso actor at director ang lahat ng video at vlogs nila ni Kim na naka-upload sa kanyang YouTube channel.

Sa isang episode ng “Ogie Diaz Showbiz Update” channel, napag-usapan nga nina Papa O ang tungkol sa pagkawasak ng relasyon nina Kim at Xian.

“A friend of mine and a friend of Xian and Kim Chiu told me na totoong hiwalay na si Kim Chiu at si Xian Lim.

“Di lang maamin ni Kim Chiu kasi nga pinoproseso pa ni Kim Chiu, at si Xian Lim din, hindi mo rin siya maasahan  syempre na magkomento or magbigay ng kanyang statement tungkol dito,” ang sabi ni Papa O.

“Ang pagkakaalam ng friend ko ay nauna ang KathNiel bago sila. Pero siyempre, kino-quote ko lang naman yung friend ko,” esplika pa ng vlogger at komedyante.

True enough, noong December 23, 2023, ibinandera ni Kim ang kumpirmasyon ng malungkot na balita sa kanyang Instagram post. May post din si Xian sa kanyang sariling Instagram account. Read more…

BAKA BET MO: Bea may nabuking kay Dominic kaya hindi na itinuloy ang kasal?

Nagsimula sa blind item: Ang breakup confirmation nina Echo at Kim

Jericho Rosales ‘happy’ sa piling ni Kim Jones sa kabila ng chikang hiwalayan

PHOTO: Facebook/ABS-CBN

KANYA-KANYANG hula ang netizens tungkol sa nakakaintrigang blind item ni Ogie, ayon sa ulat namin noong December 29, 2023.

Ang subject, isang “gwapong aktor na hiwalay na raw sa kanyang napakagandang asawa.”

Nai-share ni Papa O ang tungkol dito kung saan nagbigay nga siya ng ilang detalye about the breakup.

“Noong narinig ko ito, nalungkot ako. Akala ko kasi, itong guwapong aktor na ito na ikinasal sa napakagandang babae, all along akala ko maayos ang kanilang relasyon,” simulang kuwento ng entertainment columnist.

Pagpapatuloy ni Papa O, “All along I thought na okay pa rin sila. Na silang dalawa ay ine-enjoy muna ang isa’t isa habang hindi pa nagbubunga ang kanilang pagmamahalan kasi wala pa silang anak.”

May netizens ang nanghula sa comment section ng YouTube channel ni Ogie kung saan talagang pinangalanan nila ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones.

Mas lalo pang umugong na talagang wala na ang dalawa nang banggitin ito ni Ogie sa vlog nila ni Mama Loi base sa sources niya at nagkaroon na nga raw ng hatian ng properties.

At nito nga lang Enero 29, 2024, sa panayam ng ABS-CBN sa ninong nila sa kasal na si Ricco Ocampo ay noon pa raw 2019 hiwalay sina Echo at Kim pero nanatili silang magkaibigan at nagsusuportahan sa kani-kanilang mga proyekto.

Matapos nga ang kumpirmasyong hiwalay na, naibalita ulit ni Ogie na kasalukuyang ibinebenta ang bahay nila sa Quezon City.

“Ang alam ko, for sale na ang kanilang bahay sa Quezon City para mapaghatian na ang proceeds nito if ever. Si Kim Jones sa pagkakaalam ko, maninirahan na ata sa New York. Si Jericho naman ay single solo solo muna siya [dito],” chika niya. Read more…

As confirmed by Boy Abunda: Ang hiwalayang BeaDom

Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na ayon kay Boy Abunda

Bea Alonzo, Dominic Roque

“SABI ng isa kong source, wala na sila, hiwalay na sila,” ito ang pasabog ni Ogie sa vlog nila ni Mama Loi na “Showbiz Update” na in-upload nitong February 3, 2024.

Nagsimula kasing umingay ang isyung ‘hiwalay’ na sina Bea Alonzo at Dominic Roque nang ilang okasyong dinaluhan ng aktres na hindi nito suot ang engagement ring niya.

“May nagsabi rin sa akin na ‘yung post ni Dominic na siya’y nag-iisa na tinatanaw ang dagat at hampas ng alon meron daw problema ‘yun.

“Sabi rin ng isa kong source, wala na sila! Hiwalay na sila! ‘Yung Japan (trip) nila huling post na nila ‘yun. Wala na kaya inaabala na lang ni Bea ang kanyang sarili, bini-busy na lang ni Bea ang kanyang sarili,” kuwento ni Ogie.

At nitong Martes nga, February 6, 2024, ay kinumpirma mismo ng talent manager at tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang talk show na “Fast Talk with Boy Abunda” na hiwalay na sina Bea at Dominic.

“Madalas kapag nagkikita kami ni Bea ay nagkakakwentuhan po kami tungkol sa buhay, their marriage plans, so I was shocked. Tama si Ogie Diaz po, ‘yung kanyang balitang hiwalay na.

“As we talked today, yes, hiwalay na po si Dominic at si Bea,” diretsahang saad ni Tito Boy. Read more…

Ang update kaugnay ng Barbie at Diego split 

Barbie and Diego

Barbie and Diego

KUMALAT ang balitang break na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial ilang araw pagkatapos nilang ipagdiwang ang unang anibersayo nila noong December 11, 2022 dahil mag-isang pumunta ng Amerika ang aktor at wala rin silang post na binati ang isa’t isa noong Pasko at Bagong Taon.

Kaya sa showbiz update vlog ni Ogie noong January 2022, sey niyang ayon raw sa kanyang source ay hiwalay na nga sina Barbie at Diego.

“Ang nabalitaan natin ano, dahil nag-away daw itong si Barbie at si Diego tapos ang sabi ay mamili lang daw si Diego kung ‘Itutuloy pa ba natin ito o hiwalay na?’ Eh parang nanalo ata ‘yung hiwalay na,” dagdag pa ni Ogie.

Noong February 4, 2022 nga, sa isang eksklusibong panayam sa ABS-CBN News ay kinumpirma ni Barbie na hiwalay na sila ni Diego. Hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye pero maayos raw ang kanilang paghihiwalay. Read more…

Delayed confirmation sa hiwalayang Pokwang-Lee

Pokwang wagi, Lee O' Brian pinapa-deport ng Bureau of Immigration

Pokwang, Lee O’ Brian

SA “Showbiz Update” YouTube channel nina Ogie at Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh noong July 2022 ay inamin ng una na matagal na niyang alam na hiwalay sina Pokwang at Lee O’Brian kaya lang ayaw niyang pangunahan at hintayin kung kailan handang magkuwento na si Pokey.

Ayon kay Ogie, “Last November 2021 pa wala na at hiwalay na si Pokwang at si Lee O’ Brian. Kaya si Papang Lee ngayon ay nagsosolo ng tirahan at may hanapbuhay yata at nakatakdang umuwi si papang sa US hindi ko alam kung kailan.”

Hirit ni mama Loi, “E, ‘nay ang tanong ng lahat, bakit, anyare?”

“Sa totoo lang masalimuot, eh. Pero ang sinabi lang ni Pokwang ang importante ay hindi kami magkagalit noong naghiwalay kami ni papang,” kuwento ni Ogie habang pinapakita naman ang mga masasayang larawan nina Pokie kasama ang mag-amang Malia at Lee.

At noong July 10, 2022 ay kinumpirma na ni Pokey na totoong hiwalay na sila ni Lee.

Sa pamamagitan ng Instagram, inamin nga ng komedyana na naging maayos ang paghihiwalay nila ni Lee at nagkausap na rin sila kung paano ang magiging set-up sa pagpapalaki at pag-aalaga sa kanilang nag-iisang anak. Read more…

CHIKA PA MORE: Pokwang wagi, Lee O’Brian pinapa-deport ng Bureau of Immigration

Ilan lamang iyan sa documented na chikahan nina Papa Ogs kaugnay ng hiwalayan issues ng mga Pinoy celebrities.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kayo, mga ka-BANDERA, anong chika nila ang pinakainabangan ninyo?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending