Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na sey ng source ni Ogie Diaz

Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na sey ng source ni Ogie Diaz

Reggee Bonoan |February 03,2024
facebook
share this

Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na sey ng source ni Ogie Diaz

Reggee Bonoan - February 03, 2024 - 09:34 PM

Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na sey ng source ni Ogie Diaz

Bea Alonzo at Dominic Roque

“SABI ng isa kong source, wala na sila, hiwalay na sila,” ito ang pasabog ni Ogie Diaz sa vlog nila ni Mama Loi na “Showbiz Update” na in-upload ngayong gabi.

Kakasulat lang namin dito sa BANDERA kaninang umaga na sinabi ng aming source na may ‘tampuhan’ ang magsing-irog na sina Bea Alonzo at Dominic Roque na hindi naman binanggit kung anong dahilan.

Nagsimula kasing umingay ang isyung may ‘hiwalay’ na ang dalawa na ilang okasyong dinaluhan ng aktres na hindi nito suot ang engagement ring niya.

“May nagsabi rin sa akin na ‘yung post ni Dominic na siya’y nag-iisa na tinatanaw ang dagat at hampas ng alon meron daw problema ‘yun.

“Sabi rin ng isa kong source, wala na sila! Hiwalay na sila! ‘Yung Japan (trip) nila huling post na nila ‘yun.

“Wala na kaya inaabala na lang ni Bea ang kanyang sarili, bini-busy na lang ni Bea ang kanyang sarili,” kuwento ni Ogie.

Tsinek namin ang petsa ng Japan trip ng Bea-Dom at pinost nila pareho ito nu’ng Enero 6.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo ‘di raw suot ang singsing, tuloy kaya ang kasal kay Dominic?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Tsinek naman ni mama Loi ang timeline ni Bea, “titingnan natin ang IG ni Bea Alonzo nu’ng sinabi niyang ‘my unpaid therapist’ January 18 hindi kita ‘yung mga daliri niya do’n.

“Pero nu’ng January 20 ‘yung kanyang post ay ‘yung (launch ng produkto) na parang may suot siyang engagement ring na parang solitaire.

“Tapos ‘nay (Ogie) January 20, same event na ini-endorse ni Dominic Roque do’n siya na-interview ng mga press na sinabi niyang si DJ (Daniel Padilla) na hindi invited (sa kasal), si Kath (Kathryn Bernardo) invited.

“Yung January 22 na birthday ng anak ni Bea Saw, doon na pino=post ng netizens na wala na ‘yung engagement ring na suot si Bea.”

Hirit ni Ogie, “sabi ko naman kanina Loi ay huling IG post na nila na together ‘yung Japan (trip) nila. So, between January 20 and 22 wala na sila no’n siguro. Kasi sabi ng source ko, e, ‘bago pa kayo mag Korea Ogie wala na sila.”

Say naman ni mama Loi, “ay kelan ba tayo nag Korea, January 26?”

Sa pagpapatuloy ni Ogie, “sabi ng aking source ay sinusuyo pa rin ni Dominic Roque si Bea Alonzo para sila ay magka-ayos. Puwedeng nagka-misunderstanding.”

Samantala, idinaan sa biro ni mama Loi kung napanaginipan ni Ogie kung ano ang gusot nina Bea at Dom at sabi naman ng huli na, ‘ibigay na natin sa kanila ‘yun, hindi maganda ‘yung napanaginipan ko. Kaya ayaw ko na sabihin dito, ‘wag na.

“Anyway, ‘yan ay mga nakalap lang natin at ito’y walang kumpirmasyon at ang kumpirmasyon ay hihintayin natin na kina Dominic at Bea manggagaling or denial sa mga inilabas natin dito,” saad ng kilalang content creator.

Sa sinabi ni Bea na dapat ang lalaki ang nagpa-plano ay nabanggit ni Ogie na may plano si Dom at sa katunayan ay sa Madrid, Spain sila ikakasal sa September ngayong taon ay limitado lang ang mga imbitado.

Binalikan naming muli an gaming source na nagsabing may tampuhan sina Dominic at Bea nab aka may update na bukod sa balitang ito ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ganu’n pa rin, tampuhan pa rin at mag-uusap pa sila (Bea at Dom),”sambit ng aming source.

Anyway, bukas ang BANDERA kina Dominic at Bea sa isyung hiwalay na sila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending