Ogie Diaz sa TF issue ni Ian: Kung 'di kaya ang presyo, wag kunin

Ogie Diaz sa TF issue ni Ian: Kung ‘di kaya ang presyo, ‘wag kunin

Therese Arceo |January 19,2024
facebook
share this

Ogie Diaz sa TF issue ni Ian: Kung ‘di kaya ang presyo, ‘wag kunin

Therese Arceo - January 19, 2024 - 11:49 AM

Ogie Diaz sa TF issue ni Ian: Kung 'di kaya ang presyo, 'wag kunin

Ogie Diaz at Ian Veneracion

NAGLABAS rin ng saloobin ang talent manager at komedyanteng si Ogie Diaz ukol sa viral post patungkol sa talent fee ni Ian Veneracion.

Noong isang araw lang nang mag-post ang writer-director na si Ronaldo Carballo ukol sa kanyang nalaman mula sa talent coordinator na presyo ng aktor kung kukunin ito sa parada sa Tarlac.

“Nakakalokah yung hindi mo lang kinaya yung presyo ni Ian Veneracion na 500k for 2 hours na parada, ipo-post na sa facebook?

“Juice ko, ang simple lang ng argumento — kung hindi kaya ang presyo, eh di wag kunin. Humanap ng iba,” saad ni Ogie.

Aniya, kahit pa isang milyon ang ipresyo ni Ian ay karapatan niya ito.

“Deal nila ‘yon. Kung paanong karapatan din ng mga promoter or producer kung kukunin nila o hahanap ng iba,” pagpapatuloy ni Ogie.

Paano raw kung ang presyo ng management ni Ian ay mas mababa ang ibinigay na rate ay ipo-post rin kaya ito sa social media?

Baka Bet Mo: Ian Veneracion P500k ang TF kada 2 oras, sey ng direktor: OA naman!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Saka kayo mag-post kung me kontrata na, pero hindi sinipot nu’ng tao. Juice ko, pag nangyari ‘yon, baka tulungan ko pa kayong i-bash si Ian!” sey ni Ian.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin naiyak nang ipagtanggol si Ogie Diaz sa bashers

Dagdag pa niya, “Imadyinin ninyo, hindi na nga natuloy, pinost pa at na-subject pa sa bashing nang todo si Ian. Eh, sagutin lang kayo ng, ‘Wala po akong kinalaman diyan. Kaya nga po ako may management, eh. Sila po ang bahala sa career ko,’ tae este, talo na kayo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nagpapasalamat naman si Ogie sa mga netizens na nakakaintindi sa ganitong bagay at sa mga promoters na pinahahalagahan ang confidentiality.

“Pero thank you sa mga netizen na nakakaintindi ng trabaho ng mga totoong promoter na sumusunod sa strict confidentiality. Habang ‘yung iba, piniling maging mangmang,” sabi ng talent manager.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending