Ogie Diaz sa viral monologue ni Jo Koy: Ok naman sa 'kin

Ogie Diaz sa viral monologue ni Jo Koy: Ok naman sa ‘kin

Therese Arceo |January 11,2024
facebook
share this

Ogie Diaz sa viral monologue ni Jo Koy: Ok naman sa ‘kin

Therese Arceo - January 11, 2024 - 02:01 AM

Ogie Diaz sa viral monologue ni Jo Koy: Ok naman sa 'kin

Ogie Diaz at Jo Koy

MAGING ang talent manager na si Ogie Diaz ay naglabas ng kaniyang saloobin hinggil sa monologue ng Filipino-American comedian na si Jo Koy.

Marami kasi ngayon ang pumupuna sa komedyante dahil sa hindi umanong nakakatawang jokes o banat nito nang mag-host siya sa 2024 Golden Globe Awards.

Sa katunayan, trending si Jo Koy sa X (dating Twitter) dahil marami ang nag-react sa ginawa niya kabilang na ang joke ukol sa American singer-songwriter na si Taylor Swift.

Sey ni Ogie sa isang Facebook post, pinanood raw niya ang monologue ni Jo Koy at pasado naman daw ito para sa kanya.

“Dahil maraming pumuna sa monologue ni Jo Koy sa nakaraang Golden Globe, andami na ring sumakay. Lalo na siyempre yung di “maarok” ang brand of comedy ni Jo Koy na may halo ring satire.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez, Barbie Imperial walang relasyon, sey ni Ogie Diaz

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Pinanood ko, okay naman sa akin. Pipikunin ka lang talaga ng joke ni Jo Koy, pero dapat bang seryosohin eh joke nga yon?” sey ni Ogie.

Giit pa niya, ang joke naman daw ay naghihintay ng reaksyon lung matatawa ka o makokornihan o mao-offend.

“Depende pa sa joker kung paninindigan niya ang mga joke niya o hihingi siya ng apology sa mga stars na na-offend kung aaminin nila,” sey ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Sa palagay nyo kaya, kung hindi si Jo Koy ang nag-host ng awards night, ganun pa rin kaya kaingay ang episode na yon ng Golden Globe? Tinapos agad nung iba ang career ni Jo Koy, ang kokorni n’yo, huh!” sabi pa niya.

Matatandaang nag-viral si Jo Koy nang magtanong ito sa audience kung ano ang pinagkaiba ng NFL sa Golden Globes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“The big difference between the Golden Globes and the NFL? At the Golden Globes, we have fewer camera shots of Taylor Swift,” sey ni Jo Koy.

Makikita namang tila hindi nagustuhan ni Taylor ang joke nang itutok rito ang kamera upang makita ang reaksyon nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending