Cristy Fermin naiyak nang ipagtanggol si Ogie Diaz sa bashers

Cristy Fermin naiyak nang ipagtanggol si Ogie Diaz sa bashers

Reggee Bonoan |December 02,2023
facebook
share this

Cristy Fermin naiyak nang ipagtanggol si Ogie Diaz sa bashers

Reggee Bonoan - December 02, 2023 - 06:02 PM

Cristy Fermin naiyak nang ipagtanggol si Ogie Diaz sa bashers

Cristy Fermin

SA rami ng ganap namin ay kaninang tanghali lang namin napanood ng buo ang latest episode ng “Cristy Ferminute” nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa Radyo 5 92.3 TRUE FM na sinabing vindicated si Ogie Diaz sa paglantad nitong hiwalay na ang KathNiel.

Katakut-takot bira kasi ang inabot ni Ogie kasama ng kolumnista nang ibalita nila sa “CFM”, “Showbiz Now Na” at “Showbiz Update” YouTube channels nila na matagal nang hiwalay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Halos hindi makain ng aso ang mga pinagsasabi ng ibang supporters ng KathNiel sa dalawang pinagkakatiwalaan reporters turned content creators ng showbiz.

Bilang isang reporter din, hindi naman kami basta magsusulat ng walang pruweba dahil alam naman namin ang katapat nito kapag nagsulat kami ng hindi totoo.

Minsan idinadaan namin sa blind items base rin sa pakiusap ng aming mga source para hindi sila ang direktang maituro lalo’t sila ang napagkuwentuhan ng mismong taong involved.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin hinamon si Karla Estrada: Magharap-harapan kami ng aking source

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Going back to ‘nay Cristy ay emosyonal niyang ipinagtanggol ang anak niyang si Ogie Diaz sa CFM kahapon dahil sabi nga niya, “kapag si Ogie ang kinalaban, pinaka-sensitibo ako dahil hindi n’yo nakita ang kanyang pagsisimula.”

Totoo ang sinabi niya dahil kulang na lang ay galing sa sinapupunan niya so Ogie sa panahong nangarap itong maging reporter at saksi rin kami roon bilang naging bahagi kami ng Mariposa Publications kung saan naging patnugot namin ang isang Ogie Diaz sa TeenStar Magazine na tuwing Miyerkoles ang labas.

Ayon kay ‘nay Cristy, “kami po ni Ogie Diaz ang nalagay sa alanganin tungkol sa break-up na ito. Alam n’yo naman po mga kapatid kapag wala po akong resibo na hawak at hindi kop o kumpleto ang impormasyon hindi po lalabas ang aking mga salita sa aking bibig.

“Ako po ay naglakas ng loob na sabihin dito sa CFM at sa SNN na hiwalay na talaga sila (KathNiel) ng matagal ng panahon, hindi lang po kahapon, hindi lang po nu’ng isang araw, hindi lang nu’ng isang linggo dahil kumpleto po ako ng detalye.”

Nang ibalita ito ni ‘nay Cristy sa CFM ay kaagad ding nagpalabas ang ina ni Daniel na si Karla Estrada na hindi totoo ang balitang ito bagay na pinalabas na sinungaling ang isang Cristy Fermin na dekada na ang inabot sa pagbabalita.

Sa pagpapatuloy niya, “Pinalabas po akong sinungaling ni Karla Estrada, ‘yung mga pinakaing salita po sa akin ng mga KathNiel (at) supporters kaya ko pong tanggapin ‘yan. Minsan isang panahon ako’y naging tagahanga rin alam ko kung gaano kasakit ang mga iniidolo nilang artista ay nagkahiwalay, totoo po ‘yan ipagluluksa po talaga.

“Pero sana naisip ni Karla Estrada ang tanginbg puhunan kop o sa trabahong ito sa kaing propesyon ay kredibilidad. Hindi kop o ito trinabaho ng magdamag lamang, isang linggo, isang buwan, isang taon, isang dekada. Apat at limang dekada po halos pinagtrabahuan ang titulong ito ang kredibilidad na ito para wasakin ng isang tao sa isang iglap lamang.

“Ngayon lumabas na ang katotohanan, ano ang aking aasahan? Dapat dito matuto siyang tumanggap ng kamalian! Hindi ako humihingi ng pag dispensa mula kay Karla kahit sa mga KathNiel, lawakan n’yo lamang po ang inyong isip, puso at paghusga sa mga bagay-bagay habang hindi pa ninyo nalilinawan ang lahat ng pangyayari.”

So, paano na ngayon totoo pala ang lahat! Ano ngayon ang masasabi ng KathNiel supporters o sa mga bashers na hiniling pa sa TV5 na tanggalin si ‘nay Cristy dahil nagpapakalat ng hindi totoong balita. Feeling ninyo magtatagumpay kayo dahil nag-ipon-ipon kayo.

Anong nangyari, e, di kinatigan si ‘nay Cristy ng TV5 management, “mahirap po ang trabaho namin, hindi madaling sungkitin ang pagtitiwala po ng taumbayan para ang mga balita namin ay paniwalaan. Gusto ko pong magpasalamat sa ilang bahagi ng KathNiel supporters na nagpalawak ng kanilang isip at hindi nanghusga. Gusto ko pong pasalamatan ang mga taong nagtiwala lalo nap o ang mga boss naming nagtiwala sa One Ph at TV5.”

At sabay kuwento na kinumusta siya ng mga bosses ng TV5 at nagpasalamat kay ‘nay Cristy dahil kasama pa rin nila ang beteranang host at manunulat sa nasabing TV network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, ibinahagi sa amin ni ‘nay Crist yang kanyang mensahe kay Ogie, “sabi ko naman sa ‘iyo, kapag ikaw ang kinalaban, pinaka-sensitibo ako. May panahon talaga ang bendikasyon. Mapapahiya ang nagsisinungaling, salamat sa kinasihan tayo ng panahon dahil tayo ang nasa tama. Salamat sa hindi pagbitiw, sa walang kuwestiyong tiwala, suporta at pagmamahal. Akin ang pagsaludo sa iyo, Labyunak, ingat palagi.”

Sagot ni Ogie, “Ate Cris, thank you for the kind words for me. Naluha ako kasi naluha ka na sa CFM. Bigla ko tuloy naalala nu’ng nagsisimula ako at ngayon, di ko ma-imadyin ns matutupad ko pala ‘yung pangarap ko na ma-penetrate ang showbiz, dahil ikaw ang naging tulay. Thank you. I am forever grateful to you. Andito lang ako para sa iyo. Salamat uli. I love you, ate Cris.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending