Heaven Peralejo palaban sa pakikipag-love scene kay Ian Veneracion sa ‘Nanahimik Ang Gabi’, aprub naman kay mommy
SIGURADONG pagpipiyestahan ng mga kalalakihan ang kaseksihan ng Kapamilya actress na si Heaven Peralejo kapag napanood na nila ang pelikulang “Nanahimik Ang Gabi” (A Silent Night).
Isa ito sa walong entry sa Metro Manila Film Festival 2022 na mapapanood sa mga sinehan nationwide simula sa December 25, Araw ng Pasko.
Kahapon, humarap sa ilang members ng entertainment media si Heaven para sa mediacon ng “Nanahimik Ang Gabi” kasama ang mga co-stars niyang sina Ian Veneracion at Mon Confiado. Ito ay isinulat at idinirek ni Shugo Praico.
Isa itong suspense-thriller movie kung saan may mga halikan at love scenes sina Heaven at Ian base na rin sa ilang eksenang napanood namin na ipinalabas sa SM The Block Director’s Club bago magsimula ang mediacon.
View this post on Instagram
Pero ayon kay Heaven, muntik na raw niyang tanggihan ang pelikula, “Akala ko nu’ng una ide-decline ko na talaga kasi ilang beses din nila akong niligawan.
“Medyo matagal din talaga. Pero nakapag-compromise nga kami sa kung hanggang saan ko lang kaya ibigay. Ayaw din naman nila akong pilitin. Nag-compromise po kami in the middle,” pahayag ng young actress.
Napapayag din daw siya na gawin ang movie dahil nangako sa kanya ang Rein Entertainment na hindi niya pagsisisihan ang proyekto.
“Sabi nila, ‘Kaming Rein Entertainment’ aalagaan ka namin. Kung paano mo nabi-visualize itong film na ito, ganu’n din namin nabi-visualize.’
“They made me feel comfortable. Nakakatuwa na I can portray that kind of role pala. They pushed me to my limits. It’s a different Heaven that you’ll see,” pahayag ng dalaga.
Dagdag pang chika ni Heaven, mismong ang nanay niya ang nagbigay ng go-signal na tanggapin niya ang proyekto kahit na nga kailangan niyang magpaka-daring at makipag-love scene kay Ian.
“At some point, hindi pa rin naman matatanggal na may sexual scenes na gagawin for the film to arrive doon sa story na ‘yun.
“Sabi rin naman nila, it’s part of the film. Kasi siyempre nu’ng una sobrang baby ko po. Talagang hindi ako papayag sa mga ganu’n.
“Pero nu’ng nilawakan ko ‘yung pag-iisip ko na oo nga naman it’s more than ‘yung mga ganu’ng scene. It’s about the message. Tsaka hindi ko rin naman ito tatanggapin kung hindi pumayag ang nanay ko,” aniya pa.
“Maraming limitations. Sa pakita, the way it’s gonna be shot. Ang nangyari, before sumabak sa film, lahat ng per scene, lahat ‘yun may shot na.
“So nakita ko na lahat kung anong klaseng shot ‘yung gagawin. Talagang parang anime. Ganu’n ‘yun respeto nila sa akin,” sabi ni Heaven.
Samantala, kung may isang eksenang talagang nahirapan siyang gawin sa pelikula ito ay ang mga eksenang pisikalan nila ni Mon Confiado. Talaga raw nagkasugat at pasa siya after ng shooting.
Heaven Peralejo natuto sa ‘science’ dahil sa mga bashers
#Anyare: Kiko Estrada, Heaven Peralejo hiwalay na, nagkasawaan agad?
Heaven umaming naging ‘rollercoaster’ ang buhay: I’m in the phase of loving myself
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.