Heaven umaming naging 'rollercoaster' ang buhay: I'm in the phase of loving myself | Bandera

Heaven umaming naging ‘rollercoaster’ ang buhay: I’m in the phase of loving myself

Therese Arceo |September 08,2021
facebook
share this

Heaven umaming naging ‘rollercoaster’ ang buhay: I’m in the phase of loving myself

Therese Arceo - September 08, 2021 - 07:53 PM

MATAGAL nang laman ng social mesia ant aktres na si Heaven Peralejo dahil sa mga isyung kinasasangkutan nito.

Magmula nang masangkot ito sa hiwalayan nina Devon at Kiko hanggang sa pag-amin nito na sila na ng aktor ay di pa rin tinatantanan ng mga netizens ang dalaga at ginawa na ngang hobby ang pambabash sa kanya.

Matatandaan na ilang araw lang matapos ang kanilang pag-amin ay nagkaroon ng exclusive interview si Kiko para linawin at depensahan nag aktres laban sa mga nambabash rito. Nilinaw rin nito na walang katotohanan ang mga lumalabas na balitang inagaw siya ng aktres sa dating kasintahan.

Ngunit tila maraming netizens ang napa-react nang lumabas ang balitang inunfollow na ni Kiko ang aktres at dinelete na rin ang photos nito sa kaniyang Instagram account.

Tila expired na raw ang “trial period” ng dalawa at agad na nagkasawaan matapos ang pag-amin at nauwi na nga ito sa hiwalayan.

Marami rin sa mga netizens ang nagsabing expected na raw na hindi magtatagal ang dalawa dahil umanoy inagaw lang nito ang aktor kahit na itinanggi na ni Kiko at Heaven ang akusasyon na ito.

Naging tikom naman ang bibig ng dalawa nang lumabas ang balitang hiwalay na sila. Ngunit ayon sa dating talent manager ng dalaga na si Ogie Diaz ay hiwalay na nga raw ang dalawa.

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News, inamin ni Heaven na hindi naging madali ang mga nakaraang buwan para sa kanya.

“The past few months, I guess, it was a rollercoaster. And right now, I’m in the phase of loving myself.

“No joke, as in every morning and every night, nandoon ako sa mga affirmations ‘coz they say, di ba, na pag sinasabi mo ‘yan sa sarili mo, na parang magnet iyon, e, so iyon yung magiging buhay mo. So, ganun.

“Alam mo, yung mga things na hindi ko alam na kaya kong gawin, nagagawa ko pala, in a good way, I think,” saad ng aktres.

Sa ngayon, nakatuon ang atensiyon ng Kapamilya actress sa kanyang mga alagang aso.

Aniya, “And ngayon, mas nagpu-focus ako siguro sa dalawa kong anak-anakan, yung dalawa kong aso.

Sobra daw nitong nae-enjoy ang pagiging fur mom pati na ang pet grooming ng mga alaga.

Hindi naman nakalimutang magpasalamat ng aktres sa mga taong patuloy ma sumusuporta sa kanya sa kabila ng mga isyung ibinabato sa kaniya.

Sinusubukan naman niyang huwag maapektuhan sa mga sinasabi ng mga bashers at critics.

“So, I guess for me, hindi ko na lang din papa-affect yung critics sa akin.

“More, like, I’m gonna find myself, I’m gonna know more about myself, and I’m gonna love myself, so yun lang ang masasabi ko,” kuwento ng dalaga.

Aware din naman siya na walang artista ang naging handa sa mga sasabihin ng tao sa oras na buksan nito nag buhay sa publiko.

“In every aspect of life, hindi ka naman talaga magiging ready, kahit sabihin mong ready ka, di ba?

“Hindi mo naman makikita, like, kung gaano yung gravity ng isang bagay, especially, kunyari, when it comes to bashing, and kung paano pala ‘yan makaka-affect sa ‘yo and sa family mo.

“Ako, I’ll say na hindi ako ready talaga. Though alam ko na meron, yes, pero hindi ako ready,” lahad ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ay sinusubukan niyang masanay sa mga ito at unti-unti siyang nag-a-adapt.

Hindi naman tinalakay ang isyu ng dalaga ukol sa naging hiwalayan nila ni Kiko Estrada.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending