#Anyare: Kiko Estrada, Heaven Peralejo hiwalay na, nagkasawaan agad? | Bandera

#Anyare: Kiko Estrada, Heaven Peralejo hiwalay na, nagkasawaan agad?

Reggee Bonoan |September 06,2021
facebook
share this

#Anyare: Kiko Estrada, Heaven Peralejo hiwalay na, nagkasawaan agad?

Reggee Bonoan - September 06, 2021 - 04:50 PM

Kiko Estrada at Heaven Peralejo

ISANG linggo pa lang ang nakalilipas matapos makapanayam ni Ogie Diaz si Kiko Estrada sa kanyang YouTube channel para ipagsigawan ang pagmamahal niya kay Heaven Peralejo pero heto at balitang hiwalay na sila.

Ipinagtanggol pa ni Kiko si Heaven sa bashers na bumabatikos sa aktres dahil siya ang sinasabing rason kaya nahiwalay ang aktor kay Devon Seron.

Noong Agosto 13 rin ay nag-post pa si Kiko ng mga larawan nila ni Heaven kasama ang fur baby nito na lagi raw niyang kasama kahit saan siya magpunta.

Ngunit ilang araw palang ang nakalilipas ay biglang in-unfollow na ni Kiko si Heaven at pinagbubura na rin ang mga larawan nila sa Instagram.

Pero sa part ni Heaven, hindi pa niya binubura ang larawan nila ni Kiko na magkayakap na ipinost  noon ding Agosto 13.

Wala pang nagsasalita kina Kiko at Heaven kung ano ang real score sa kanila ngayon, pero ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na ang nagsabi na hiwalay na nga ang dalawa base sa tsikahan nila ni Tita Jegs sa YouTube channel nito na i-upload nitong Linggo ng gabi.

“Feeling ko wala na sila, feeling ko nag-split na sila, nag-break na sila kasi kapag nag-unfollow na si lalaki du’n sa babae, wala na ‘yun,” ang sabi ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Naloka ako kasi kakatapos lang ng interview kay Kiko na nag-profess siya ng love niya kay Heaven na sobrang love niya, may alaga silang aso tapos hindi niya ma-imagine na may iba pang susunod na babae sa buhay niya dahil si Heaven na ang pangarap niya.

“Tapos heto in-unfollow na ni Kiko Estrada si Heaven Peralejo sa Instagram kahit ‘yung mga photos ay tinanggal na rin niya na naging viral din,” aniya pa.

Tanong ni Tita Jegs kung bakit hindi pa binubura ni Heaven ang picture nila ni Kiko sa IG.

“Ayun nga, mako-confirm natin na wala na sila kung si Heaven ay mag-unfollow na rin kay Kiko at mag-delete na rin siya ng photos nila ni Kiko, so ‘yun na ‘yun!

“One way of saying na wala na kami. So ‘yung rason hindi natin alam. Pero ako may nakausap ako at (sinabing) wala na sila. Nag-split na sila,” pagkumpirma ni Ogie.

Dagdag pa, “Kaya ang mga huling litrato nila di ba, ‘yung huling litrato nila sa kotse may ganu’n-ganu’n (magkakayakap) tapos anong nangyari?

“Hay naku, ganyan naman talaga ang kabataan! Kumbaga i-savor mo lang ‘yung moment na kayong dalawa (pa) na happy pa kayo at kapiling at isa’t isa. Pero darating ang panahon na hindi rin pala magiging kayo na sa iba ka pala mapupunta parang sina Bea (Alonzo) at Gerald (Anderson).

“Kaya minsan dapat ipinagpapasalamat din natin ang ating nakaraan para makita natin ang ating kasalukuyan,” dagdag pa ng talent manager.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, wala pang paramdam si Heaven sa kanyang social media tungkol sa personal niyang buhay. Bukas ang BANDERA para sa magiging paliwanag nina Kiko at Heaven.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending