Gwapong aktor matagal na palang hiwalay sa asawa

Guess, guess who!? Gwapong aktor matagal na palang hiwalay sa asawa

Ervin Santiago |December 29,2023
facebook
share this

Guess, guess who!? Gwapong aktor matagal na palang hiwalay sa asawa

Ervin Santiago - December 29, 2023 - 03:17 PM

Guess, guess who!? Gwapong aktor matagal na palang hiwalay sa asawa

KANYA-KANYANG hula ang mga netizens tungkol sa nakakaintrigang blind item ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz.

Ang subject, isang “gwapong aktor na hiwalay na raw sa kanyang napakagandang asawa.”

Nai-share ni Papa O ang tungkol dito sa latest episode ng YouTube channel niyang “Showbiz Update” kung saan nagbigay nga siya ng ilang detalye about the breakup.

“Noong narinig ko ito, nalungkot ako. Akala ko kasi, itong guwapong aktor na ito na ikinasal sa napakagandang babae, all along akala ko maayos ang kanilang relasyon,” simulang kuwento ng entertainment columnist.

“‘Di ba nakita pa natin sila sa isang event… Nakita natin silang dalawa?” sey ni Ogie.

“Nakita natin? Sino?” balik-tanong naman ni Mama Loi kay Papa O na ibinulong dito ang mga tinutukoy na mga celebrities.

“Oo, ang bongga! Kakaiba ‘yung outfit nu’ng girl,” chika uli ni Mama Loi.

Baka Bet Mo: Xian Gaza biglang kambyo sa pasabog na blind item; Diego, Barbie dedma lang

Pagpapatuloy ni Papa O, “All along I thought na okay pa rin sila. Na silang dalawa ay ine-enjoy muna ang isa’t isa habang hindi pa nagbubunga ang kanilang pagmamahalan kasi wala pa silang anak.”

Ngunit ang nakakalokang plot twist, inaayos na raw ng ex-couple ang kanilang annulment noon pang kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Magkaibigan pa rin daw ang dalawa kahit hiwalay na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dagdag pang chika ni Ogie, “Mayroon na ring nabalita noon na sila’y hiwalay na pero ito’y dinedma ng aktor. ‘Yung may ‘wala na daw kayo?’ Tapos ‘bye, guys’. Parang ‘we’re good, we’re good’ tapos umalis na siya.”

Wala namang ibinigay na dahilan si Ogie kung ano ang dahilan ng hiwalayan ng gwapong aktor at ng misis nito.

May mga netizens ang nanghula sa comment section ng YouTube channel ni Ogie kung saan talagang pinangalanan nila ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones.

Baka Bet Mo: Joshua binago ang panuntunan sa buhay: Hindi na ako papa-apekto sa past

“Jericho Rosales at Kim Jones ang blind item. actually una pa lang na nagdedetalye si mama ogs eh silang dalawa agad pumasok sa isip ko echo at kim, lalo lang napagtibay ng ‘gusto mo kong sumigaw? Para marinig mo.'”

“Omg is it Echo and Kim? Anyhow thank you dahil lagi nyo Ako napapatawa!!! Happy new Year! With love from Kuwait!!!”

“Hala kung true ito tama din cguro ng hinala ko noon pa na hindi sila magtatagal prang may emptiness sa mga mata nila kase.”

Kung matatandaan, nabalita ang tungkol sa breakup nina Jericho at Kim last year pa. Sa isang interview, natanong si Echo tungkol dito pero natawa lang ito at umiwas sa isyu.

Kasunod nito, tila dinenay naman ni Kim na hiwalay na sila ni Jericho sa pamamagitan ng pagpo-post ng picture ng aktor sa Instagram kalakip ang kanyang message para sa 43rd birthday nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal sina Echo at Kim noong 2014 sa isang garden wedding sa Boracay.

Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon o pahayag ng mag-asawa sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending