Xian Gaza biglang kambyo sa pasabog na blind item; Diego, Barbie dedma lang | Bandera

Xian Gaza biglang kambyo sa pasabog na blind item; Diego, Barbie dedma lang

Reggee Bonoan |November 18,2021
facebook
share this

Xian Gaza biglang kambyo sa pasabog na blind item; Diego, Barbie dedma lang

Reggee Bonoan - November 18, 2021 - 05:19 PM
Xian Gaza biglang kambyo sa pasabog na blind item; Diego, Barbie dedma lang

NAGTAGUMPAY na naman ang tinaguriang “Pambansang Marites ng Pilipinas” na si Xian Gaza na gusto yatang pataubin ang mga showbiz talk show host pagdating sa mga issue.

Ito’y matapos kagatin ng mainstream media ang blind item niya tungkol sa isang sikat na celebrity couple.

Gumawa ng ingay ang social media personality nitong Miyerkoles habang isinasagawa ang virtual mediacon ng magkarelasyong sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

Nag-post ang social media personality na isa raw talent ng Star Magic ang dahilan umano ng hiwalayan ng dalawang sikat na influencer dahil nahuli ng babae si lalaki sa hotel room na may kayakap na girl.

Bagama’t blind item iyon ay tila nagbigay naman ng clue si Xian na si Barbie ang Star Magic talent na nakitang kayakap ng boyfriend ng female influencer.

Kasi ipinost niya ang larawan nina Diego at Barbie at may caption na, “How sweet naman very strong relationship.”

At dahil lumaki na ang isyu ay heto, biglang kumambyo ang lalaking tsismoso ng Pinas at naglabas ng official statement sa kanyang Facebook nitong Miyerkoles ng gabi.
“Kumapit ka na Mars. Ha-hahaha! Straight to the point going sa aking blind item. Just to be clear ha. If you try to analyze my blind item and all the posts na ginawa ko after that, wala naman akong sinabi kung sino, ah. Tama?”

“Marami lang nag-speculate kung sino ang blind item na ’yon tapos ni-repost ng mga pages, nag-name-drop. Everything is just mere speculations from general public.

“And nu’ng nag-viral na ang mga speculations na ’to ginrab na s’ya ng mainstream media. At nu’ng ginrab na s’ya ng mainstream media mukha na s’yang fact.

“Pero it’s just a tsismis, it’s just a blind item, and it didn’t come from me. Hindi ’yan nanggaling sa akin. Balikan n’yo ’yong wall ko. Wala akong ni-name-drop na kahit na sino,” papikit-pikit pang sabi nito habang nakahiga.

Dagdag pa niya, “These are mere hypothesis, conclusion, speculation ng sambayanang Pilipino na ngayon parang sa akin na nanggaling, tama?

“So, kung sino man ang mga na-involve sa blind item labas ako d’yan, uy! Wala akong binabanggit. Kaya nga blind item, e, kayo lang d’yan ang nagmagaling at mga asyumero kayo, e.

“Wala naman akong sinabi. Kayo lang ang nag-imply na connected s’ya sa blind item. Hindi ko na problema ’yon.”

“So, doon sa nakaladkad na dalawang pangalan ng influencer you know, nag break-up recently na sobrang sikat sa ating bansa. Ang tanong ng bayan ngayon, ‘talaga bang sila ang iyong blind item, Xian?’

“Kumapit ka na mars, eto na!” nakakalokang tawa ng lalaking Marites.

“I will not confirm nor I will not deny.  Hindi ako sasagot kung sino ‘yung dalawang influencer sa aking blind item.  Hindi ko sasabihin sa inyo,” nang-uurot pang sabi ni Xian.

Binanggit din nito na nag-goodnight siya sa aktres at si Barbie nga iyon.

“May sinabi ba ako na s’ya ang nasa blind item? Sige nga, balikan n’yo nga lahat ng post ko. Kayo lang ang nag-speculate, e. You re-posted it tapos kinonek-konek n’yo na tapos kinuha na ng media and parang naging fact na s’ya,” diin nito.
Katwiran ni Xian ay gumanti siya kay Barbie, “Inasar n’ya kasi ako last year, way back May 2020. Meron s’yang vlog at inasar n’ya ako sa vlog n’ya. Bumawi lang ako. Bakit ba?”

Sa kabilang banda ay umamin si Xian na pain lang pala ang post niya kaya niya tinag ang aktres, “The reason behind my status is, it’s just a mere bait. Pain ko lang ito kasi alam ko dedepensahan at magrereak ’yong kanyang d’yowa.

“Magbibida-bida, magmamalinis, knight in shining armor, boyfriend here, I know, alam ko ’yan (been) involved in social media for the past 5 years alam ko na ang kalakaran niyan, so, alam ko pag ginawa ko ’tong status na ’to kakagat ’yong d’yowa n’ya, dedepensa, magpi-feeling hero. Ipapakita n’ya na they’re so strong, he’s a loyal boyfriend. Alam ko ’yan,” kuwento nito.
Saka sinabi ni Xian ang pasabog niya sa boyfriend ng aktres at si Diego nga iyon na bumibista raw sa Pampanga habang naghihintay ang karelasyon nito sa Manila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

Ang binibisita ni Diego ay si AJ Raval sa bahay nito sa Pampanga na tinukoy din naman ni Xian sa kanyang FB post nitong Miyerkules ng hapon.

Aniya, “Diego Loyzaga, may gusto lang sana akong itanong. Bakit ka bumibisita sa bahay nila AJ Raval sa Pampanga habang hinihintay ka ni Barbie Imperial sa Manila? Curious lang. Ito ay ayon mismo sa ama ni AJ na si Jeric Raval. Ano ginawa mo sa bahay nila?”

Nagkasama sina Diego at AJ sa pelikulang “Death of a Girlfriend” na palabas sa Vivamax na idinirek ni Yam Laranas.

“Habang magdyowa sila pumupunta-punta ’tong boyfriend n’ya sa Pampanga para bisitahin ang another actress. Ano kayang ginagawa nila du’n, ’no? Ay, my god! Nakakaloka, mars.

“At hindi ’yan tsismis. You know me. Ang blind item ko hindi sasabihin ng diretso, it’s not 100 percent for real. Pero pag sinabi kong diretso, in the name of my credibility as the ‘Pambansang Marites ng Pilipinas,’ it’s for real.
“Kung pinapanood mo man ’to. Of course papanoorin mo ’to. Nakakapit ka d’yan nang malala. Baka magkayakap pa kayo. It’s for real, sorry to say, sad to say. And I’m sorry if you got involved in the blind item.
“Again, it’s not my problem anymore. Wala akong sinabi na involved ka. Ang general public, ang sambayang Pilipino ang nag-speculate at kinonek ka dito, not me.

“And if you got involved with it, I’m so sorry (kay Barbie). Kailangan kong gawin ’yon para ang iyong boyfriend na knight in shining armor ay magbida-bida na parang malinis tapos boom! Sabay drop ng pasabog. Feeling hero pa naman s’ya, feeling loyal. Yaks! Hahaha!” tawa ng tawang kuwento ni Xian.

Sa kasalukuyan ay walang sagot sina Diego at Barbie maliban sa post ng aktor sa kanyang FB page ng larawang magkayakap sila ng aktres sa pool na may caption na, “Dont get caught up in all that noise. Its just noise. My baby gurl and I are chilllin. So sit back, relax, enjoy life.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kabilang banda, negative or positive publicity ay posibleng nakakatulong ito sa promo ng pelikulang Dulo nina Diego at Barbie mula sa Viva Films na idinirek ni Fitfh Solomon under Viva Films na mapapanood sa Vivamax sa Dec. 10.

Related Chika:
Diego kay Barbie: Para siyang nanay mag-alaga pero para ring baby…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending