Joshua binago ang panuntunan sa buhay: Hindi na ako papa-apekto sa past | Bandera

Joshua binago ang panuntunan sa buhay: Hindi na ako papa-apekto sa past

Reggee Bonoan |November 12,2021
facebook
share this

Joshua binago ang panuntunan sa buhay: Hindi na ako papa-apekto sa past

Reggee Bonoan - November 12, 2021 - 03:10 PM

Joshua binago ang panuntunan sa buhay: Hindi na ako papa-apekto sa past

 

HINDI binanggit ni Joshua Garcia kung sino ang babaeng naka-relasyon niya noon kung saan isa sa pinag-awayan nila ay ang past nito kaya naman ngayon ay binago na niya ang panuntunan niya sa buhay.

Sa virtual mediacon ng “Viral Scandal” drama series na mapapanood na sa Lunes, Nobyembre 15 ay natanong ang aktor kung importante sa kanya ang past ng future girlfriend niya.

“Para sa akin hindi importante ‘yun. Siyempre mas importante kung ano ‘yung nangyayari ngayon. Past na ‘yun eh. I’m sure ‘yung babae din mismo kinalimutan na rin mismo ‘yung past na ‘yun,’ saad ni Joshua.

“Na-experience ko kasi before nag-care ako masyado sa past niya. Parang naka-apekto siya at the same time sa relationship namin and hindi siya maganda. So natuto lang ako. Kaya ngayon sabi ko hindi na ako papa-apekto sa past. Past na talaga yun. Dapat nakakalimutan na yun. So yun lang yung masasabi ko,” pagtatapat ni Joshua.

At alam na rin ng aktor kung paano i-handle ang mga intriga na ipinupukol sa kanya ng bashers niya.

“Yung mga negative issues, ang dami ko ng experience, oh my God. Well ‘yung mga hindi dapat pansinin, hinandle ko by not handling at all.

“Wala eh, sayang ‘yung energy ko kung i-handle ko siya di ba? Pero siyempre ‘yung magagandang viral na nangyari sa akin, trini-treasure ko ‘yun. Kasi part ng journey ko ‘yun as an artist and an actor,” sagot ni Joshua.

“Choose your battles talaga kasi sayang ‘yung energy talaga eh. Pagka binigyan mo ng importansya ‘yung mga ganun na alam mo namang hindi makakatulong sa ‘yo. Depende, depende talaga sa sitwasyon,” dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae)

At tungkol naman sa tsismis o blind items ay okay lang kay Joshua dahil parte iyon sa buhay ng isang artista.

“Kasama ‘yun sa trabaho namin. Hindi ko masisisi ‘yung nagawan ako ng blind item. Kasi ‘yung reaction ko before nu’ng nagkaroon na ako noon I don’t know kasi nakuwento lang ‘yun sa akin.

“Sabi ko, ‘Yaan mo na.’ parang ganun lang ‘yung sinabi ko eh. Kasi the more na pagtuunan mo siya ng pansin, the more na mapapansin din siya ng mga tao. And kung nabasa mo yung blind item at hindi ka sang-ayon, huwag mo na lang pagtuunan ng pansin ‘yun. O baka mali naman yung sinabi ng blind item,” sey pa ni Joshua.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabagay, depende naman kasi sa blind item kung totoo, e, dedma na lang pero kung hindi totoo at makakasira ng pagkatao o karera, siguro dapat ding bigyan ng pansin lalo na kung tukoy naman.

Anyway, abangan ang “Viral Scandal” series sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC at TFC IPTV.

Related Chika:
Joshua malaki ang utang na loob sa KathNiel: Sobrang swerte ko na naging kaibigan ko sila
Ivana aminadong nakakausap si Joshua: Alam ko nasa taping siya…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending