Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na ayon kay Boy Abunda

Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na ayon kay Boy Abunda

Therese Arceo |February 06,2024
facebook
share this

Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na ayon kay Boy Abunda

Therese Arceo - February 06, 2024 - 05:40 PM

Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na ayon kay Boy Abunda

KINUMPIRMA mismo ng talent manager at tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda na hiwalay na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Sa kanyang talk show na “Fast Talk with Boy Abunda” ay diretsahang kinumpirma ng talent manager ang kumakalat na balita ukol sa celebrity couple.

“Isa pang balita na talagang nakalungkot, sumindak sa akin habang ako ay nasa Hong Kong ay ang balita pong naghiwalay na sina Bea Alonzo at Dominic Roque,” panimula ni Tito Boy.

Aniya, matagal na niyang kakilala at kaibigan ang dalawa kaya siya ay nalungkot dahil madalas na nila noong napag-uusapan ng Kapuso actress ukol sa kanilang future plans ni Dominic.

“Madalas kapag nagkikita kami ni Bea ay nagkakakwentuhan po kami tungkol sa buhay, their marriage plans, so I was shocked. Tama si Ogie Diaz po, yung kanyang balitang hiwalay na.

“As we talked today, yes, hiwalay na po si Dominic at si Bea,” diretsahang saad ni Tito Boy.

Maaari raw na sa ngayon ay sinusuyo ni Dominic ang Kapuso actress upang ayusin ang kanilang relasyon pero sa ngayon ay break na ang dalawa.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na sey ng source ni Ogie Diaz

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ayon rin daw sa kanyang source ay kamakailan lang nang mag-usap muli sina Dom at Bea.

“They’re trying to understand each other but they are going through a rough patch… My prayer is that may God grant them what is best for them,” pagbabahagi ni Tito Boy.

Pagpapatuloy niya, “Yes, I am confirming that hiwalay na sila ngayon at last night or two nights ago, nag-usap ang dalawa [Nea at Dom]. Ano ang status? Wala. I think kung tama ang aking source, isinauli na ni Bea ang engagement ring.”

Nagulat naman si Tito Boy sa isyu na may kaugnayan ang prenup agreement sa hiwalayan ng dalawa, dahil matagal na raw nila itong napag-usapan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Many months ago, napag-usapan po ito sa aking pagkakaalam and I’d like to confirm this with my friends and sources because when this was being talked about, ‘yung prenup po, ang nag-volunteer sa nanay ni Bea na ok ang prenup ay si Dominic.

“So I don’t think it is or it was an issue unless nabago po ang kwento… To be fair to Dominic, it was not an issue for Dom,” lahad ni Tito Boy.

Nilinaw rin ni Tito Boy na hindi totoo na April ang kasal at hindi rin ito sa Tagaytay base sa pag-uusap nila ni Bea.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending