Bea may nabuking kay Dominic kaya hindi na itinuloy ang kasal?

Bea may nabuking kay Dominic kaya hindi na itinuloy ang kasal?

Ervin Santiago |February 07,2024
facebook
share this

Bea may nabuking kay Dominic kaya hindi na itinuloy ang kasal?

Ervin Santiago - February 07, 2024 - 12:05 AM

Bea may nabuking kay Dominic kaya hindi na itinuloy ang kasal?

Dominic Roque at Bea Alonzo

MAY nadiskubre raw si Bea Alonzo kay Dominic Roque na isa sa mga naging rason kung bakit nagkalamat ang kanilang relasyon.

Ayon sa isang source, may nalaman daw ang Kapuso actress at content creator patungkol kay Dominic na ikina-shock niya nang bonggang-bongga.

May kinalaman ito sa personal life ng negosyante at dating aktor na ngayon lang daw nadiskubre ni Bea. Hindi raw kasi akalain ng aktres na may ganu’ng eksena sa buhay ng binata.

Hindi na muna namin idedetalye ang ang kuwento ng aming source pero hindi na rin kami masyadong nagulat sa rebelasyon niya dahil may nakapagsabi na rin sa amin ng tungkol dito noong hindi pa sila ni Bea.

Baka Bet Mo: Ruffa may nadiskubre kay Ferdinand Marcos, Sr.: He’s very romantic pala, nakita ko yung love letters niya kay Madam Imelda

Pero sa pagkakaalam namin matagal nang nangyari ang umano’y nadiskubre ng Kapuso star about Dom at siguradong kinalimutan na niya ang eksenang yun sa buhay niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Iba pa ito sa kumakalat ngayon na pera ang pinag-ugatan ng umano’y paghihiwalay nina Bea at Dom, isama pa ang isyu ng prenuptial agreement sa part ng aktres. Ang chika, ayaw daw pumirma ni Dominic ng prenup.

May lumulutang namang chika na hindi nagkasundo ang engaged couple about their wedding.

True nga kaya na gusto ni Bea ng engrandeng wedding habang simple at intimate lang ang type ni Dominic.

Baka Bet Mo: Pamilya ni Jean may nadiskubre matapos i-cremate ang yumaong ina na namatay sa COVID

May sinabi raw kasi si Dominic sa isang panayam na kahit daw alak lang ang handa ay keribels lang sa kanya. So, ang feeling ng ilang netizens, hindi raw kayang ibigay ng dating aktor ang dream wedding ng kanyang fiancé.

Pero para sa amin, mukhang mas malalim pa nga ang pinag-ugatan ng alleged breakup ng dalawa at feeling namin, hindi kinayang sikmurain ng aktres ang kanyang na-discover about Dom or pwede ring the other way around.

Samantala, magiging busy uli si Bea sa pagsisimula ng taping para sa latest project niya sa GMA, ang thriller-mystery series na “Widow’s War” kasama si Carla Abellana.

Inamin ng Kapuso actress na nakakaramdam din siya ng pressure sa bago niyang serye, pero mas lamang pa rin daw ang excitement.

“This will be a spin off of the well-loved series Royal Blood and Widow’s Web so medyo nakaka-pressure kasi minahal talaga siya ng mga manonood,” sey ni Bea sa panayam ng “24 Oras.”

Nagsimula na rin daw ang kanyang paghahanda para sa kanyang character sa serye, “I know that kami ni Carla will meet because ‘yung characters namin are suppose to be best friends.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey pa ni Bea, “I’m very excited na parang bawat character may plot na susundan ng tao, hindi lang ‘yung main character.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending