Gladys ikina-shock din ang parusa ng MTRCB sa ‘Showtime’, hirit sa ‘loveteam’ nila ni Zoren: ‘Feeling ko dito na talaga magseselos si Carmina!’
IKINAGULAT din ng award-winning actress na si Gladys Reyes ang naging parusa ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa “It’s Showtime.”
Dating board member ng MTRCB ang La Primera Contravida at isa rin siya sa mga hurado sa “Mini Miss U” segment ng “It’s Showtime” kaya naman natanong kay Gladys ang tungkol sa ipinataw na 12-day suspension ng Kapamilya program.
“Siyempre, ang unang reaction, ‘Bakit? Bakit kaya?’ Sa totoo lang, hindi ko napanood ang main…kaya ‘di ko masabi (iba raw ang segment nila).
“Hindi ko masabi kung karapat-dapat ba. Pero siyempre, dahil hindi naman na tayo board member, ‘di ba? Ang alam ko lang kasi, during our time, ang abjudication o parang korte sa loob ng MTRCB, whatever is the decision ng committee, hindi ‘yan pwedeng baliin kahit ng chairman.
“So ‘yun ang alam ko noon. Hindi ko alam kung may nabago ba roon or may nabago sa ruling,” paliwanag ni Gladys.
View this post on Instagram
Ang punto pa niya sa isyu, “Siyempre, ‘yung iba na nandoon, tinanong ko lang kung matutuloy ba. And when they told me, sa birthday ni Sen. Bong Revilla, oo matutuloy. Siyempre, na-sad din ako for ‘It’s Showtime.’
“Siyempre, unang-una, nakaka-miss ang ginagawa namin doon almost everyday. Pero at the same time, sabi nga, in every situation, there’s always an opportunity, ‘di ba?
“Ang nangyari, nakapag-bonding pa sila. Nakapag-Hongkong sila. Ako rin naman, nakapahinga ako,” aniya pa.
Samantala, matapos ang kanyang pagiging judge sa “Showtime”, balik-Kapuso uli siya dahil kasali siya sa bigating cast ng pinakabagong GMA action series na “Black Rider” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.
Kontrabida na naman siya sa naturang programa kung saan gaganap silang mag-asawa ni Zoren Legaspi. Birong chika ni Gladys baka raw magselos sa kanya si Carmina Villarroel.
“Alam n’yo, feeling ko, ito na talaga ang project na magseselos si Carmina Villarroel dahil patay na patay po si Zoren sa akin dito sa teleseryeng ‘to,” ang natawang pahayag ni Gladys sa mediacon ng “Black Rider.”
View this post on Instagram
Bigla namang natawa si Zoren sa sinabi ni Gladys, “Tingnan mo si Zoren, parang ikinahihiya ako! Hoy, aminin mo, ‘yun ‘yung role ni Mayor Alfonso,” hirit pa ni Gladys.
Pagpapatuloy pa niya, “Ito po ‘yung pagbabalik-serye ko actually, dahil ang tagal kong hindi gumawa ng teleserye. My last was Madrasta and then ino-offer-an nila ako, puro lock-in. Ayokong mag-lock-in that time because of mga anak ko.”
Pero nang dumating ang offer ng GMA, naisip niyang God’s perfect time raw talaga dahil wala nang lock-in, “Working with Ruru again, mga kapatid ko sa pananampalataya (Iglesia Ni Cristo) with Jon Lucas din, ano? I’m so happy and proud of them, sa mga batang ito. Mababait, marespeto, mahuhusay na mga batang aktor.”
Mapapanood na ang “Black Rider” simula sa November 6 sa GMA Telebabad. Kasama rin dito sina Yassi Pressman, Katrina Halili, Kylie Padilla, Matteo Guidicelli, Raymart Santiago at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.