Cristy Fermin umalma sa fake news na ipinakalat ng poser tungkol sa MTRCB, sumusumpa na walang personal na galit kay Vice Ganda
MAY pumutok na fake news nitong Biyernes ng gabi at dawit ang pangalan ni Nanay Cristy Fermin dahil ang vlogger na pasimuno ay may X account na @altcristifermin.
Ang X ay dating Twitter at tinweet nitong poser ni ‘Nay Cristy nu’ng Oktubre 27, Biyernes sa ganap na 9:12 p.m.
“Just In. Lala at MTRCB ipatatawag ang McDonald’s Philippines at si Vice Ganda dahil umano sa pagkain ng chicken Mcdo gamit ang bibig na tila may hawig sa paraan ng pagkain nito ng Icing sa It’s Showtime na nagpapakita na sarap na sarap ang host sa pagkain.”
Nang makita namin ang post na ito ay nasa 2.8 million views na at may 2,500 retweets, 25,000 likes, 403 saved at 618 comments.
Obviously, walang malay si ‘Nay Cristy dito dahil unang-una ay wala naman siyang social media accounts at bukod tanging ang “Showbiz Now Na” at “Cristy Ferminute” ang platform na mayroon siya kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez.
View this post on Instagram
Nalaman lang ito ng “CFM” at “SNN” host nang mapanood niya ang YT channel ni “Batang Maynila To Its” kung saan tinalakay ang tungkol sa isyu ni Vice Ganda na kaagad namang itinuwid ng MTRCB sa pangunguna ni Chairperson Lala Sotto na hindi totoong ipatatawag nila si Vice at ang McDonalds Philippines.
Baka Bet Mo: Michael V ibinuking na naipatawag na rin ng MTRCB: ‘Meron na kaming lawyer ngayon kapag nagte-taping’
Sa episode ng “Cristy Ferminute” kahapon ay binasa ni ‘Nay Cristy ang press release ng MTRCB para pabulaanan nga ang isyu.
Malungkot na sabi ng beteranang manunulat, “Hindi ko alam na ako’y sangkot sa kuwentong ito, noon ko pa po sinasabi mga Kababayan wala po ako kahit na anong social media. ‘Yun pong mga naglipana na FB account 37 po ‘yan at iba-iba ang pangalan (binanggit isa-isa ang mga pangalan niya), hindi po akin ‘yun posers lang po ‘yun.”
Binanggit ni ‘Nay Cristy ang mga pangalang ginagamit ng posers niya na patuloy na nagpo-post o nagbabalita ng pekeng balita para makakuha ng maraming views o mapataas ang engagement nila.
Sa pagpapatuloy ng premyadong host at manunulat, “Nakakaloka po at may 2.6 million views na po ito at verified account po ito (@altcristifermin). Wala po akong kinalaman dito.
“Yung Cristy po niya pinalitan lang ng I ‘yung Y pero Cristi Fermin po ang kanyang ginagamit. Matagal na raw po ito (binanggit ang mga pangalan ng tagasubaybay nila sa radyo) sabi ng CFM’ers,” aniya pa.
Maraming vloggers na napapanood si ‘Nay Cristy at kapag nakita niyang parehas ang laban ay inirerekomenda niyang panoorin ang mga videos nila para tumaas ang views at dumami ang subscribers para makatulong sa kanila.
Sabi nga niya, “Ako nga ay nagre-rekomenda pa ng mga vloggers na lumalaban ng parehas, nakikiusap pa nga ako sa inyo na tulungan natin ang mga dumpster divers na Pilipino sa iba’t ibang bansa.
“‘Yung mga lumalaban po ng parehas dito sa Pilipinas ay nakikusap ako na pataasin natin ang views at hindi ko alam na ako pa po pala ang mabibiktima sa pagkakataong ito.
“Ang pakiusap ko lang sa mga vloggers kung mayroon kayong gustong paangatin na pangalan o personalidad kalayaan n’yo po ‘yan puwede ninyong gawin ‘yan kahit na anong oras, pero ‘wag na po tayong gagamit ng taong walang kinalaman para naman po siya ang mapasama,” paalala ng veteran host at columnist.
At kinlaro rin ni ‘Nay Cristy na wala siyang galit kay Meme Vice.
View this post on Instagram
“Hindi naman po tama na ako, na walang personal na galit kay Vice Ganda, walang personal na pahinuhod sa kanyang mga ginagawa, kinokontora ko ba ang bawa’t gawin niya, hindi!
Baka Bet Mo: Sigaw ng fans ni Kris: Buhay na buhay po si Ms. Kris, hindi pumanaw! Huwag maniwala sa fake news!
“Isa lang po ang kinontra ko, ‘yung tungkol sa ginawa nila ni Ion (Perez) sa Showtime na ‘yan naman din ay kinatigan ng MTCB at ng ating mga kababayan kaya nga po nasuspinde sila ng labingdalawang araw.
“Pero ‘yung palababasin na pag-aawayin pa kami ng MTRCB? Parang gustong palabasin ng vlogger na ito ay pagsabungin kami ni Chair Lala Sotto?
“Unang-una hindi po mangyayari ‘yan, may mga utak po sa tamang wisyo ang pamunuan ng MTRCB (at) alam po nila na hindi ko kagagawan ‘yang balitang ‘yan na ipinatawag nila ang McDonald Phillipines at si Vice Ganda para batikusin at baka mauwi na naman sa suspension.
“Wala po silang gagawin at hindi sila naniniwala na ang inyong lingkod ang nagpakalat ng fake news na ‘yan!
“At gusto ko pong pasalamatan ang pamunuan ng MTRCB sa maagang pagkilos kaysa po sa lumawig ng lumawig ang ganitong kawalanghiyaan.
“Mabuti na rin po na kaagad nilang sinupil itong nagpapanggap na AnimaCrisiFermin. Manalamin naman kayo tingnan ninyo ang inyong sarili at kung ang inyong konsensya ay kayong kakampihan,” sabi ni Nay Cristy.
Nabanggit ding 13 years na ang “Cristy Ferminute” sa susunod na buwan at ni minsan ay hindi niya ginamit ang programa nila ni Romel Chika sa TRUE FM para sa mga fake news gayun din ang “Showbiz Now Na” YouTube channel.
Samantala, muli naming tsinek ang X account name na Aaltcristifermin pero hindi na namin ito mahanap at ang nakalagay na ay, “This account doesn’t exist.”
Nai-report na raw ito ng mga tagasubaybay ni Nanay Cristy at gayun din si Atty. Ferdinand Topacio kaya siguro pinabura na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.