Cristy Fermin pinalagan ang ama ni Liza Soberano: Hindi po namin sinabi na ayaw naming magtagumpay ang inyong anak | Bandera

Cristy Fermin pinalagan ang ama ni Liza Soberano: Hindi po namin sinabi na ayaw naming magtagumpay ang inyong anak

Therese Arceo - October 28, 2023 - 11:22 AM

Cristy Fermin pinalagan ang ama ni Liza Soberano: Hindi po namin sinabi na ayaw naming magtagumpay ang inyong anak

SINAGOT ng kolumnistang si Cristy Fermin ang naging patutsada ng ama ni Liza Soberano na si John Castillo Soberano laban sa kanya.

Inanunsyo na kasi ang premiere date ng debut Hollywood movie ni Liza na pinamagatang “Lisa Frankenstein”.

Ang naturang announcement ay ibinahagi rin ng ABS-CBN, dating home network ni Liza na siyang ibinahagi rin ni John sa kanyang social media account.

“I can’t wait ano ilalabas ng mga camp ng Cristy [Fermin] & Ogie D ngaun…” saad ng ama ng aktres.

Ito ay sinagot ng kolumnista sa kanyang programa.

Lahad ni Cristy, “Alam n’yo po, Mr. John, kung napapansin n’yo at kayo’y nakikinig at nanonood ng aming mga kuwento tungkol sa inyong anak, ano ang nasa dulo namin?

“Lagi naming sinasabi: ‘Maraming salamat kung matutupad ang kaniyang Hollywood dream at malaking kasiyahan ito para sa kaniyang mga tagahanga’. Hindi po namin sinabi na ayaw naming magtagumpay ang inyong anak.”

Baka Bet Mo: Cristy Fermin may pa-blind item sa kilalang aktres na nagising na may mga paso ng sigarilyo sa braso, binti: ‘Paano nangyari ‘yun?!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Tulad rin ni Ogie Diaz, dating talent manager ni Liza, hangad rin ni Cristy ang magtagumpay ang dalga sa kabila ng mga isyung kinasangkutan nito.

Chika pa ni Romel, “pinag-uusapan po kasi artista ang anak n’yo. Napag-uusapan po at malaking bentahe sa kabila ng lahat na napg-uusapan pa rin po si Liza.”

Samantala, pinuna naman ni Cristy ang maling pagkaka-spell ng kanyang apelyido sa post nito.

“Alam mo Mang John, ang tagal tagal mo na sa showbiz ni Liza. Ang laki na ng pakinabang n’yo sa mundong ito na ginagalawan natin, hanggang ngayon hindi mo alam ang spelling ng aking apelyido? F po, hindi P.

“At sana huwag n’yo nang haluan ng kanegahan. Kung magtatagumpay ang anak n’yo, maraming salamat. Kung mabibigo, bigyan natin ng another chance. Pero tama na ‘yung mga ganyan… huwag nang panega-nega pa. Pasalamat nga tayo kung maipapalabas na nga sa February ang pelikula ng anak n’yo… Huwag na kayong humalo pa,” sey pa ni Cristy.

Matatandaang naging laman si Liza ng mga balitang inihahayag ng kolumnista kasama si Romel Chika sa madlang netizens.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngunit sa kabila ng mga ibinabalita nina Cristy at Romel ay sinabi nilang ayaw nilang maging successful ang dalaga sa kanyang matagal nang pangarap nito na bumida sa Hollywood.

Related Chika:
Banat ni Cristy Fermin kay Liza Soberano: ‘Wala kang utang na loob, hindi ka Pilipino!’

Sagot ni Liza kapag nabigo sa Hollywood: ‘At least I tried, wala akong regrets pagtanda ko na hindi ko man lang sinubukan’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending