Bibig, ilong, cheekbone ni Jinkee Pacquiao pinagtripan ng bashers, Cristy Fermin to the rescue | Bandera

Bibig, ilong, cheekbone ni Jinkee Pacquiao pinagtripan ng bashers, Cristy Fermin to the rescue

Ervin Santiago |October 26,2023
facebook
share this

Bibig, ilong, cheekbone ni Jinkee Pacquiao pinagtripan ng bashers, Cristy Fermin to the rescue

Ervin Santiago - October 26, 2023 - 11:08 AM

PINUTAKTI na naman ng mga laiterang bashers ang wifey ni Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao dahil sa itsura nito ngayon.

Marami kasing netizens ang nag-react sa isang TikTok video na viral na ngayon sa social media kung saan mapapanood si Jinkee na kumakanta ng hit song ni Moira dela Torre na “Paubaya.”

Base sa mga nabasa naming komento ng mga nakapanood sa video, tila umober na raw ang pagpaparetoke ng asawa ni Manny sa kanyang mukha.

Parang hindi na raw kasi ito magandang tingnan dahil ibang-iba na raw ang kanyang itsura kesa dati. Hindi na nga raw nila makilala ang butihing misis ni Pacquiao sa mga pictures nito sa social media.

Baka Bet Mo: True ba, Jinkee Pacquiao nagmaldita raw sa ibang bansa?

Pero sa gitna ng pang-ookray ng netizens kay Jinkee, nakahanap naman siya ng kakampi sa katauhan ng premyadong showbiz columnist at TV host na si Cristy Fermin.

Sa episode ng programa niyang “Cristy Ferminute” last Monday, Lunes, October 23, dumepensa si Nanay Cristy in favor of Jinkee.

“Napansin ko nga na ‘yung kanyang bibig ay lumaki. ‘Yung kanyang ilong ay tumaas. Ang kanyang cheekbone, tumaas din,” ang pahayag ni Nanay Cristy.

Ang punto pa ng TV and radio host, may pera naman si Jinkee na pwedeng gastusin sa kung anuman ang gusto niyang bilhin o kuning serbisyo. At isa pa, walang inaapakan o inaagrabyadong tao si Jinkee kung totoo mang nagparetoke siya.

“Ibigay na natin sa kaniya ‘yun. Tutal naman ikaliligaya niya ‘yan, e. Kaya nga niya ginagawa ng paulit-ulit, e,” sey ni Cristy.

Ngunit mariin ding pinaalalahanan ni Nanay Cristy si Jinkee na huwag na sanang magalit o masaktan ang wifey ni Manny dahil isa siyang public personality at talaga namang obvious ang ilangvmga pagbabago sa kanyang itsura.

Ang advice pa niya kay Jinkee, kung ayaw niyang napapansin o nalalait ng netizens ay huwag na siyang nagpe-flex ng kanyang mga photos sa social media.

Related Chika:

Gloria Diaz tuwang-tuwa sa bagong ‘toy’: Oh, it vibrates very fine and then faster…faster! Grabe!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jinkee may bwelta sa patutsada ni Cristy Fermin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending