Liza napilitan lang mag-showbiz dahil sa pera: 'I had to be an artista para mapaaral ko ang kapatid ko, para mabuhay ko yung family ko' | Bandera

Liza napilitan lang mag-showbiz dahil sa pera: ‘I had to be an artista para mapaaral ko ang kapatid ko, para mabuhay ko yung family ko’

Ervin Santiago |March 13,2023
facebook
share this

Liza napilitan lang mag-showbiz dahil sa pera: ‘I had to be an artista para mapaaral ko ang kapatid ko, para mabuhay ko yung family ko’

Ervin Santiago - March 13, 2023 - 07:15 AM

Liza napilitan lang mag-showbiz dahil sa pera: 'I had to be an artista para mapaaral ko ang kapatid ko, para mabuhay ko yung family ko'

Liza Soberano

MUKHANG kahit ano pang gawing paliwanag ngayon ng dating Kapamilya actress na si Liza Soberano ay hindi pa rin siya titigilan ng mga bashers at haters.

Mas lalo pa siyang nadiin ngayon dahil sa mga bago niyang rebelasyon tungkol sa tunay na dahilan ng pagpasok niya sa mundo ng showbiz.

Lumalabas na nagsisinungaling na naman daw ang dalaga sa naging sagot niya sa mga katanungan ni Tito Boy Abunda sa talk show nito sa GMA 7 na “Fast Talk With Boy Abunda.”

Ayon kay Liza, hindi raw niya naranasan ang mga ginagawa ng mga normal na bata noon dahil kinailangan na niyang magtrabaho para makatulong sa kanyang pamilya, kabilang na ang pagpapaaral sa mga kapatid.

“Hindi ko po pangarap maging artista. I had to be an artista para mapag-aral ko yung sarili ko, para mapaaral ko kapatid ko, para mabuhay ko yung family ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)


“That’s one thing na hindi alam ng maraming tao. I think that they assumed na gusto ko mag-artista ever since I was a kid which is not true,” pagbabalik-tanaw ng dalaga.

Ipinaliwanag din ng girlfriend ni Enrique Gil na wala siyang intensiyong manakit o maka-offend sa mga nasabi niya sa kanyang first ever controversial vlog sa YouTube.

“I was literally just saying that I started as a child. Hindi po ako nagkaroon ng chance na mag-grow into myself as an adult.

“I didn’t get to experience things that normal kids get to experience because I started at an early age. Hindi po normal yun,” katwiran ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Fast Talk with Boy Abunda (@fasttalkgma)


Pagpapatuloy pa niya, “I felt the need to explain myself why I wanted change, because I wanted to grow. But now it’s time for me to grow as an individual.”

Baka Bet Mo:

Nagpasalamat din siya sa dati niyang manager na si Ogie Diaz, kay Enrique at siyempre sa ABS-CBN sa lahat ng tulong at suportang ibinigay ng mga ito sa kanya noon.

“I am grateful for everything that I experienced because dahil diyan napaaral ko sarili ko. Nakatapos ako ng high school.

“Dahil diyan nakabili ako ng bahay para sa family ko, here in the Philippines and for my grandparents that are living in States,” ani Liza.

Naichika rin ng aktres kung paano siya tumanggi noon nang may mag-offer sa kanya na subukan ang showbiz.

“Noong 10 (years old) po ako, that’s when I first came to the Philippines, may lumapit na po sa akin para mag-Goin Bulilit and me and my dad, we had a really big fight kasi ayoko. I was a very shy girl, I was very boyish and I didn’t know how to speak Tagalog.

“I wasn’t really expecting na magtatagal po ako dito sa Philippines akala ko po babalik din po ako agad sa States.

“Pero nagtagal po ako dito dahil nagkasakit po ‘yung lolo ko sa States, the ones who I call mommy and daddy, my parents, and hindi po nila ma-afford na ibalik kaming dalawa ng kapatid ko sa States and so I was forced to work because I wanted to go back to the States,” kuwento ng dalaga.

Kasunod nga ng kanyang panayam kay Tito Boy, naglabas naman ng resibo at ebidensiya ang mga netizens para kontrahin ang sinabi nito tungkol sa pagpasok niya sa showbiz.

Sa naging audition ni Liza sa Star Magic noon ay sinabi raw nitong, “Bata pa lang ako, gusto kong maging actress and model. Naging proud ako sa sarili ko hindi na po ako mahiyain katulad ng dati.

“Tsaka mas malapit ko na pong maabot yung dreams (and) goals ko sa buhay,” ang sabi pa raw ni Liza sa dating interview.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ni Liza hinggil dito.

Related Chika ‘Si Liza Soberano mismo ang tumangging bigyan sila ni Enrique Gil ng ibang ka-loveteam’

Banat ni Cristy Fermin kay Liza Soberano: ‘Wala kang utang na loob, hindi ka Pilipino!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Liza ibinandera ang mga ‘ganap’ sa buhay, sey sa bagong career: I’m finally taking control of my life

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending