Liza Soberano ‘damage control’ nga ba ang interview kay Boy Abunda?
NASULAT na dito sa BANDERA kahapon ang laman ng panayam ni Liza sa “Fast Talk with Boy Abunda” sa GMA 7 at inabangan ito ng netizens.
Inamin ng aktres na noong una ay ayaw na niyang magpa-interview dahil paniniwala niya ay hindi na kailangan pero dahil sa iba’t ibang interpretasyon ng mga nakapanood ng vlog niya at panayam niya kay Bea Alonzo na kahit hindi niya binanggit ang pangalan ay ito ang isa sa dahilan kung bakit siya na-bash ng todo kaya’t kailangan niyang ipaliwanag mabuti ang mga sagot niya.
Inamin din ni kuya Boy na nag-react talaga siya nang mapanood nito ang “This is Me” vlog ng aktres at inamin din ng huli na nasaktan siya dahil inakala niya na sa lahat ng tao ay maiintindihan siya ng TV host bilang isa sa wisest man sa industriya.
Pero nang magkausap daw sina kuya Boy at James Reid na manager ng aktres at saka ipinaliwanag ng huli ang thoughts ng TV host kaya’t pumayag na siyang magpa-interview.
Tulad nang nauna naming nasulat sa panayam ni Liza sa Lie Detector test ni Bea kamakailan ay magkakaibang reaksyon ang nabasa namin mula sa mga nakapanood ng “Fast Talk with Boy Abunda”.
Ang ilan sa nabasa naming reaksyon mula sa netizens sa FP showbiz website.
“Sana ni-review niya bago ipost (This is Me). Sana nag-clarify siya agad. It’s her choice of words not people’s understanding that made the issue.”
Baka Bet Mo: Liza Soberano inalok mag-audition bilang Mary Jane sa ‘Spiderman’, hindi pinayagan ng dating management?
“At the end of the day, magulo sya kausap. Dagdag bawas. Sana kung sa una palang sinabi nya na napilitan sya mag showbiz bec of her family problems and also sa udyok ng father nya then at least malinaw. E ang lumabas ABS and manager n’ya ‘yung parang nag maltrato sa kanya and pinilit s’ya. Ang truth naman they treated her really really well and talagang naging household name ka.”
“Damage control na s’ya. Sadly, all the clean-up she’s doing now, she’s doing it all on her own. Parang walang nagmamanage sa kanya. Pinabayaan sya linisin name nya.”
“Damage control. But failed.”
“Sino kaya nagsabi sa kanya ng ‘little producer’ haha after ko mapanood na sadness or frustrations na naipon from little things ‘yung nangyari sa kanya kaya.”
”So true, nagsabi naman pala siya kay Ogie (Diaz) sa incident na ‘yun eh. But based sa sagot ni Liza mukhang wala naman ginawa si Ogie, typical echos echos niya”
“Meanwhile: mga batang subjected to child labor pero never makakaranas ng P17.8M and rebranding.”
View this post on Instagram
Ang P17.8M ay ang in-advance ni Liza para mabili ang bahay na para sa ama’t mga kapatid.
“Gurl, hindi lang ikaw sa showbiz ang maagang nagsimula. Marami sa Going Bulilit, hanggang ngayon hindi pa rin nabibigyan ng break.”
”Bakit hindi kay ogie diaz nagpa interview si Liza?”
“Ganyan. para masalba natin image mo at mapaganda natin ulit for you rebrand. I think we can fault Ogie at some point, kasi he used his connections too much that Liza didn’t have it difficult like others did, like sila Kathryn, Nadine and even Sarah G.- no auditions, no rejections, role agad nu’ng naging talent sha ni Ogie. Kumbaga hindi naman silver platter agad but she didn’t have it so hard that she really can’t see na kung gusto mo maging Coco Martin levels kailangan magpaka -hirap ka as much as Coco did.
“Nah, this is nothing but DAMAGE CONTROL kaya hindi ko na pinanood kasi sasabihin na naman ng blind fans nya na andaming viewers ang interesado parin sa kanya.”
“Kita mo tlga ang difference ni Sarah G at Liza. I know that they are different people and circumstance but you know Sarah’s attitude may give her the stature of Vilma or Sharon eventually.
”The actions tell different from her words. By being silent for how many days, she allowed her fans & kibitzers to bash & say negative stuff against her former management team. Here, she even chose to do an interview instead of reaching out to her former mgt in personal to iron out misunderstanding. Which could have been a better gesture & a sign of actually being grateful. She wants to be talked about, as a proud clout-chaser that she is.”
May nanay na nakapanood at in-analyze ang laman ng panayam ni Liza kay kuya Boy at naniniwala itong nag-usap muna ang dalawa bago gumiling ang kamera para mas maayos ang flow ng interview.
Sabi ng netizen, “Ako napanuod ko, inulit ko pa. I think Boy Abunda had to put some sense into her. I think before this interview; she was already talked to by Boy. They had to strategize already for damage control. Probably James had to ask help already from a pro.
“Yes, she was honest but one can’t really feel sincerity in her being ‘grateful’. Hindi sha mukang apologetic na may nasagasaan sha sa words nya at sa delivery of “stating of facts” nya. Meron Shang resentment tlga. Nasa expression ng muka nya. Yung hichura nya mukang napagsabihan pero lumalaban sa pinaglalaban nya.
“Magulang na ako and may mga anak na strong willed. I can feel her resentment sa past nya, probably sa magulang nya, sa tita nya na naglapit sa kanya mag artista, sa fans na takot sha mawala ang supports and even kay Ogie kasi parang ang dating sa akin eh parang pag may concern sha Tina-try ni Ogie mag-compromise sila ni Liza for the sake of shempre may story na ang project eh.
“For good pr for her of course para parati pa rin shang may susunod na project. Parang ang dating nga sa akin gusto nya maging Coco Martin level na may say na sa creatives at direction pero di sha binibigyan ng chance. Parang feeling ko anak sha na nagpupumilit sa gusto nya without proving herself na kaya nya.
“Oo Liza can fly and spread her wings pero napunta sha sa bad crowd na nagmukang masama ang guidance ng magulang and mga tumulong sa kanya sa isip nya na as if they didn’t let her grow and hindi sha pinag speak up.
“I think Boy had to step in nga na “pakiusapan” sha na ‘iha nakasakit ka’ Kahit wala kang pakialam na nakasakit ka, ayusin na lang natin sa perspective na mapapaliwanag natin as if grateful ka at di mo mean nasaktan at baliktarin sila.
“Remember, in any industry, no one is indispensable, young blood can always be better than you and replace you, but your attitude will keep you from people’s minds and hearts even until you’re gone- like Susan Roces.”
Sa Lunes, Marso 13 ang ikalawang bahagi ng panayam ni Liza Soberano sa “Fast Talk with Boy Abunda” at kasalukuyang nasa Amerika na siya paglabas ng panayam na ito.
Related Chika:
Liza Soberano binanatan ng netizens matapos ipagtanggol si Angel: Shut up na lang, wag nang makialam
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.