Liza binanatan ng netizens matapos ipagtanggol si Angel: Shut up na lang, wag nang makialam
IPINAGTANGGOL ng mga kapwa niya artista si Angel Locsin matapos itong malagay sa kontrobersya dahil sa nangyaring kaguluhan sa itinayo niyang community pantry sa Quezon City.
Bukod dito, mas lalo pang nadiin ang Kapamilya TV host-actress nang may mamatay na senior citizen habang nakapila sa kanyang community pantry.
Mabilis namang gumawa ng aksyon ang dalaga nang malaman ang nangyari sa balut vendor na si Rolando dela Cruz, na balitang 3 a.m. pa lang ay pumila na para makakuha ng kaunting ayuda.
Todo naman ang paghingi ng sorry ni Angel sa pamilya ng nga naulila ni Mang Rolando at nangakong hinding-hindi niya pababayaan ang mga ito kasabay ng pag-ako sa kasalanan.
“Bago po ang lahat, humihingi po ako ng tawad sa pamilya. Kanina po pinuntahan at nakapag-usap po kami nang personal ng mga anak nya sa ospital. At habang-buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila.
“Si tatay po ay isang masipag na ama na nagtitinda ng balot. Hindi ko man po sya nakilala pero sa pagkakakilala ko sa mga anak niya ay mabuti po syang ama at maayos nyang napalaki ang mga anak nya.
“Ang nangyari po ay akin pong pagkakamali. Sana po’y ‘wag madamay ang ibang community pantries na maganda po ang nangyari. Sa ngayon po, I will prioritize helping the family and I will make it my responsibility to help them get through this,” aniya pa.
Ilan sa mga nagpaabot ng mensahe ng pagsuporta at pagmamahal kay Angel ay sina Anne Curtis, Dimples Romana, Iza Calzado at Vice Ganda. Anila, alam nilang maganda ang intensyon ni Angel sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan at patuloy nilang ipagdarasal ang dalaga.
Isa pa sa mga nagkomento sa bagong kontrobersyang kinasasangkutan ni Angel ay si Liza Soberano ngunit hindi nagustuhan ng ilang netizens ang kanyang mga sinabi.
Ani Liza, “You don’t need to say sorry ate dahil hindi mo naman ginusto ang mga nangyari. We will be praying for tatay’s soul, for his family who is mourning, and for your good health and peace of mind.”
Narito ang ilan sa mga bumanat sa girlfriend ni Enrique Gil at karamihan sa kanila ay nagsabing huwag nang makialam at tumahimik na lang dahil hindi naman siya involved sa issue.
“Angel is just humble enough to say sorry. What happened wasn’t her intention but she felt that somehow she is responsible for it. That’s a major turn on for her. But for you to say that ‘You don’t need to say sorry,’ that’s a major turn off. Entitled ka ata masyado saka medyo insensitive ‘yon at medyo na-disappoint tao sa ‘yo dahil dyan. Tsk tsk,” pamumuna ni @jessamine018.
“Grabe, ganda lang talaga meron ka…hinahangaan pa man din kita pero ganda lang talaga. Sabog utak ko sa ‘You don’t need to say sorry’ mo, girl. Hahahaha so sino magso-sorry, si tatay? Sino mag-a-adjust girl…napaka-insensitive mo! Dunung-dunungan ka na naman. Ang layo mo kay Angel. Talaga ganda lang meron,” ang pang-ookray ni @rhiczyjhane28 kay Liza.
“Even if ‘di nya intended, saying sorry doesn’t make her less a person. Saying sorry means she acknowledges that there was a mistake and pagkukulang sa in-organize nya. Take note: Sya ang nag-organize. You sympathize with her but your choice of words napakamali. Be sensitive sa pamilya ng namatay, taong naperwisyo kagaya ng business establishments, barangay, at kapulisan na ‘di niya kinoordinate,” sabi ni @viebriza.
Sey naman ni @yassy12690, “Be sensitive enough sa feelings ng mga namatayan. Who do u want to blame because of what happened? If u don’t have anything good to say u better shut up kasi meron ka fake life na mabait kuno na kailangan ipakita. Let Angel do the talking dahil inamin na ni Angel na may mali sya sa pag-organize ng simple event nya na pinost nya sa 23M followers nya sa IG.”
Samantala, sa kanyang Twitter account, sinagot ni Liza ang mga bumabatikos sa mensahe niya kay Angel at sinabing wala siyang masamang ibig sabihin.
“Many people misunderstood my comment. I meant don’t say sorry to the people demanding a sorry from her that have nothing to do with the situation,” paliwanag ni Liza. Natural lang daw na mag-sorry si Angel sa nangyari lalo pa nga’t may namatay sa insidente.
“It’s just unfair to me that her intentions were twisted and she’s being blamed for the death that she never intended to happen,” sabi ng aktres.
Humingi rin ng paumanhin si Liza sa pamilya ng namatay na senior citizen kung nasaktan o na-offend ang mga ito sa sinabi niya. Nasabi lang daw niya ito dahil sa mga taong nagagalit at nangnenega kay Angel Locsin.
May mga nagtanggol din naman kay Liza at sinabing marami lang daw talagang hindi nagets ang mensahe niya kaya offensive ang naging dating nito sa kanila. Nakiusap din ang ilang LizQuen fans na huwag namang personalin ang kanilang idolo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.