Ruffa may nadiskubre kay Ferdinand Marcos, Sr.: He's very romantic pala, nakita ko yung love letters niya kay Madam Imelda | Bandera

Ruffa may nadiskubre kay Ferdinand Marcos, Sr.: He’s very romantic pala, nakita ko yung love letters niya kay Madam Imelda

Ervin Santiago - July 19, 2022 - 09:50 AM

Imelda Marcos at Ruffa Gutierrez

IBINANDERA ni Ruffa Gutierrez na marami siyang nadiskubre tungkol kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. habang ginagawa ang pelikulang “Maid In Malacañang.”

Si Ruffa ang gumaganap na Imelda Romualdez Marcos sa nasabing pelikula at in fairness, talagang kamukhang-kamukha niya ang dating First Lady at kuhang-kuha rin niya ang kilos at pananalita nito.

Sa naganap na grand mediacon ng “Maid In Malacañang” sa Manila Hotel last Sunday, talagang agaw-eksena ang aktres dahil parang nakita na rin ng entertainment media si Madam Imelda.

In character din si Ruffa sa suot niyang red Filipiniana na gawa ni Rajo Laurel. Pati nga ang kanyang hair and make-up ay mala-Imelda Marcos din.

Aminado naman si Ruffa na noon pa ay super idol na niya ang nanay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos. Nag-post pa nga siya sa Instagram ng throwback photos nila ng dating First Lady.

Sa presscon ng “Maid In Malacañang” na idinirek ni Darryl Yap, nabanggit nga ng aktres at TV host na may nadiskubre raw siya sa yumaong asawa ni Imelda na si  former President na si Ferdinand Marcos, Sr..

“My discovery is not about my character because I really know that Madam Imelda Marcos has a beautiful heart, very sincere, mapagmahal, mahal niya ‘yung pamilya niya, mahal niya ang bayan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)


“But my discovery, surprisingly, was with Ferdinand Marcos, Sr. He’s not only a strong man who’s a genious, but he’s very romantic as well,” sey ni Ruffa.

Personal daw niyang nakita ang mga love letter ng dating pangulo kay Imelda, “Nakita ko po ‘yun mismo sa mga sulat ni Ferdinand Marcos kay Madam Imelda and sabi ko sa sarili ko, napakaromantiko pala ng taong ‘to.

“Araw-araw siyang sumusulat kay Madam and araw-araw siyang nagpapadala ng mga bulaklak and minahal niya talaga,” sey pa ni Ruffa.

Kaya naman ang hugot ni Ruffa, “Yan ang kulang sa mga lalaki ngayon. Sana merong mga lalaki ngayon na sumusulat pa ng sulat-kamay sa mga babae. Kasi ngayon, chat-chat na lang, di ba?”

Natawa naman ang anak nina Imelda at Macoy na si Sen. Imee Marcos na present din sa naganap na mediacon.

Sey pa ni Ruffa, talagang matagal na niyang pangarap ang gumanap na Imelda Marcos. Aniya, siguro raw ay dahil sa manifestation kaya ibinigay ito sa kanya.

“Prior to this role being offered to me, nagma-manifest na ako, matagal na akong nanoood ng mga documentaries, mga interviews ng pamilya Marcos, ni Madam Imelda Marcos.

“As a matter of fact, 2 days before direk Darryl (Yap) offered the role, I was already going through my own photo albums at nakikita ko do’n ‘yung mga pictures ni Madam Imelda Marcos, my wedding with Madam Imelda Marcos, she was also there.

“And then I got the call. So, sabi ko, wow! And I never heard from direk. Like 3 weeks, hindi na niya ako tinawagan. ‘Ay, sa iba na ‘to napunta.’

“As you all know, playing the role of Imelda Romualdez Marcos is a very coveted role at marami talagang gustong gumanap. Kaya I’m very thankful na napunta sa akin ‘to, and I really hope that I’m able to give justice to our First Lady forever, Madam Imelda,” sabi ng aktres.

Iikot ang kwento ng “Maid In Malacañang” sa last three days ng mga Marcoses sa Palasyo sa kasagsagan ng EDSA People Power Revolution noong 1986.

Kasama rin dito sina Cesar Montano as President Ferdinand Marcos Sr., Diego Loyzaga bilang Bongbong Marcos, Cristine Reyes bilang Imee Marcos, at Ella Cruz bilang Irene Marcos. Ang tatlong maid sa Malacañang ay gagampanan nina Karla Estrada, Beverly Salviejo at Elizabeth Oropesa.

https://bandera.inquirer.net/317372/giant-billboard-ni-imelda-marcos-trending-sa-social-media-bakit-kaya

https://bandera.inquirer.net/280480/relasyong-tom-carla-dumaan-muna-sa-matitinding-pagsubok-bago-nauwi-sa-engagement

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/315153/ruffa-gutierrez-gaganap-nga-ba-bilang-imelda-marcos-sa-maid-in-malacanang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending