Kanlaon Volcano sumabog, nasa alert level 3 pa rin

NAGKAROON ng “explosive eruption” ang Kanlaon Volcano ngayong umaga ng Martes, April 8, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa inisyal na impormasyon na inilabas ng naturang ahensiya, alas-5:52 ng umaga nang mamataan ang napakakapal na usok mula sa crater ng aktibong bulkan.
Kasunod nito, nagbabala ang Phivolcs sa inaasahang makapal na ashfall sa mga lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental matapos ang pagsabog.
Ilan sa mga maaapektuhang lugar ang western section ng probinsya na La Carlota City, La Castellana at mga kalapit na lugar.
“The eruption is producing a voluminous bent plume approximately 4,000 meters tall that is drifting southwest.
“Pyroclastic density currents or PDCs descended the slopes on the general southern edifice based on IP and thermal camera monitors.
“Alert level 3 prevails over Kanlaon Volcano,” ayon sa Phivolcs.
Bago naitala ang pagsabog, naitala rin ang 14 volcanic earthquakes sa nakalipas na mga oras. Pumalo naman sa 1,655 tonelada ng Sulfur Dioxide Flux.
Nabigay naman ng warning ang Phivolcs at pinag-iingat ang mga residente sa mga nabanggit na lugar dahil sa panganib sa balat ng mainit na abo, pati na ang mga may respiratory problems dahil sa posibleng malanghap ang kontaminadong hangin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.