DOT: Iwasan munang bumiyahe papuntang Mt. Kanlaon, kalapit na lugar

INQUIRER photo
NANAWAGAN ang Department of Tourism (DOT) sa mga biyahero at turista na ipagpaliban muna ang pagbiyahe o pamamasyal sa mga lugar na apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Ayon sa ahensya, walang naiulat na nasaktan o nasirang mga pasilidad, pero suspendido ang lahat ng tourism activities malapit sa bulkan.
“There have been no reported injuries or damage to tourism-related establishments,” sey ng DOT, ayon sa ulat ng INQUIRER.
Dagdag pa, “However, all tourism activities near Mt. Kanlaon, including treks and visits to nearby destinations such as La Carlota City, Bago City, La Castellana, and other surrounding areas in Negros Occidental, have been temporarily suspended.”
Baka Bet Mo: Kryz Uy nagreklamo sa medical technologist na kumuha ng blood sample ng anak, pero nag-sorry din agad
Ito ay dahil sa ashfall na iniulat sa ilang barangay, lalo na sa La Carlota City, pati na rin sa ilang bayan ng Negros Occidental, at maging sa ilang bahagi ng Guimaras, Iloilo, at Antique.
Dahil dito, hinikayat ng DOT ang mga turista na huwag munang tumuloy sa mga lugar na apektado ng pagsabog.
“We advise tourists to postpone any travel plans to these locations and to adhere to the safety measures established by local authorities,” panawagan ng DOT.
Sinabi rin ng ahensya na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa kanilang mga regional offices sa Central at Western Visayas matapos ang pagputok ng bulkan.
Tiniyak din ng DOT na ang kaligtasan ng mga residente at bisita sa mga apektadong lugar ang kanilang pangunahing prayoridad.
Naitala ang pagsabog ng Mt. Kanlaon bandang 5:51 a.m. noong Martes, April 8, na naglabas ng makapal na usok na may taas na tinatayang 4,000 metro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.