Taytay Vice Mayor Pia Cabral ‘nang-trip’ ng mga hayop, nagpaliwanag
NAGLABAS ng pahayag si Taytay re-electionist Vice Mayor Pia Cabral kaugnay sa nag-viral niyang video ng umano’y pagpa-powertrip sa mga hayop habang nangangampanya.
Sa kanyang Facebook page nitong Biyernes, April 11, humingi ng tawad ang vice mayor sa mga naapektuhan sa kanyang inilabas na video habang nangangampanya.
“Nais ko pong linawin na wala po akong masamang intensyon at wala akong minaliit o sinaktan na hayop. Tinanggal ko na rin agad ang post upang hindi na ito makadagdag sa anumang sama ng loob,” saad ni Cabral.
Baka Bet Mo: Marjorie Barretto sa mga single women: Choose your future partner well
Dagdag pa ni Cabral, “Bilang isang fur-mom nina Sunday, Smart, at Bachi, ang mga alaga ko po ay itinuturing kong pamilya.”
Bandera IG
Kuwento ni Cabral, nais lang sana niyang maibahagi ang masayang pakikipagkulitan niya sa mga hayop.
“Ngunit nauunawaan ko na hindi pala pare-pareho ang magiging interpretasyon ng lahat,” sabi pa niya.
Nilinaw rin ni Cabral ang ibig sabihin ng kanyang naging caption niya sa viral video.
“Isa lamang po itong expression na kahit maraming aso patungo sa ating nasasakupan ay aabutin ko po kayo dahil gusto kong maiparating sa inyo ang aking mga plataporma at mga programa na gagawin.
“Hindi ako mapipigilan ng anumang tahol dahil mahal ko ang aking mga kababayan,”sey pa ni Cabral.
Matatandaang sa isang video na ibinahagi niya sa social media sy makikitang tila tinatakot niya ang kambing at aso na kanilang madaanan sa pangangampanya.
“Aso ka lang by Pia Cabral #Day13,” sabi niya sa caption.
Agad namang umani ng samu’t saring komento mula sa madlang netizens ang naturang video na sa ngayon ay deleted na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.