Peter Unabia nag-sorry sa mga sexist remarks laban sa mga nurse

Peter Unabia nag-sorry matapos pagbawalan ang ‘pangit’, ‘lalaki’ sa mga nurse

Therese Arceo - April 09, 2025 - 06:41 PM

Peter Unabia nag-sorry matapos pagbawalan ang 'pangit', 'lalaki' sa nursing scholarship program

HUMINGI ng tawad ang re-electionist na si Misamis Oriental Gov. Peter Unabia matapos kuyugin dahil sa sinabi niya sa kanyang campaign rally tungkol sa kanilang provincial nursing scholarship program.

Noong Huwebes, April 3, sa isa sa kanyang campaign rally ay sinabi niyang para lamang sa mga magagandang babae ang pagiging nurse at hindi pwede sa mga pangit at mga lalaki.

“Kining nursing, para ra ni sa mga babaye, dili pwede ang lalaki. At, kato pa gyud mga babaye nga gwapa (Itong nursing, para lang ito sa mga babae, hindi pwede ang lalaki. At, at saka yung talagang mga babaeng magaganda),” saad ni Unabia.

Dagdag pa niya, “Dili man pwede ang maot, kay kung luya na ang mga lalaki, atubangon sa pangit nga nurse, naunsa naman, mosamot atong sakit ana (Hindi pwede ang pangit, kasi kung nanghihina ang mga lalaki, nakaharap sa pangit na nurse, e ano, lalong lalala ang sakit niyan).”

Baka Bet Mo: Shamcey Supsup nag-resign sa Team Kaya This dahil sa ginawa ni Ian Sia

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Agad ngang nag-viral ang video ni Unabia dahil marami sa mga netizens ang hindi nagustuhan ang kanyang naging pahayag.

Matatandaang nag-viral ang video ni Unabia matapos niyang ipaliwanag ang tungkol sa kanilang provincial nursing scholarship program.

Maging ang Commission on Elections o Comelec ay kinondena ang ginawa ng gobernador at nag-isyu ng show cause order laban sa kanya.

Nitong Lunes, April 7, sa ginanap na flag ceremony sa provincial capitol, humingi ng tawad si Unabia sa mga nurse at sinabing hindi niya intensyon na makasakit.

Chika pa niya, bet lang niyang pasiglahin ang audience na dumalo sa kanyang campaign rally na ilang oras nag-antay sa kanya.

Hinikayat rin niya ang mga kritiko na iwasang maging maramdamin o balat-sibuyas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending