Xian Lim, Kim Chiu 2 buwan nang hiwalay, walang 3rd party pero...

Xian Lim, Kim Chiu 2 buwan nang hiwalay, walang third party pero…

Ervin Santiago |December 13,2023
facebook
share this

Xian Lim, Kim Chiu 2 buwan nang hiwalay, walang third party pero…

Ervin Santiago - December 13, 2023 - 08:55 AM

Xian Lim, Kim Chiu 2 buwan nang hiwalay, walang third party pero...

Xian Lim at Kim Chiu

MISMONG source raw ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz ang nagkumpirma na matagal nang hiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim.

Ito’y matapos ngang burahin ng Kapuso actor at director ang lahat ng video at vlogs nila ni Kim na naka-upload sa kanyang YouTube channel.

Ang feeling ng mga netizens lalo na ng ilang KimXi fans, isa na itong sign ng pagmu-move on ni Xian mula sa umano’y breakup nila ni Kim.

Sa latest episode naman ng “Ogie Diaz Showbiz Update” channel, napag-usapan nga nina Papa O ang tungkol sa pagkawasak ng relasyon nina Kim at Xian.

“A friend of mine and a friend of Xian and Kim Chiu told me na totoong hiwalay na si Kim Chiu at si Xian Lim.

“Di lang maamin ni Kim Chiu kasi nga pinoproseso pa ni Kim Chiu, at si Xian Lim din, hindi mo rin siya maasahan  syempre na magkomento or magbigay ng kanyang statement tungkol dito,” ang sabi ni Papa O.

Baka Bet Mo: Kim Chiu, Xian Lim matagal nang hindi nagpo-post ng couple photos, hirit ng netizens: Mukhang hiwalay na nga!?

“Ang pagkakaalam ng friend ko ay nauna ang KathNiel bago sila. Pero siyempre, kino-quote ko lang naman yung friend ko,” esplika pa ng vlogger at komedyante.

Pagpapatuloy pa niya, “Sabi sa akin ng friend ko wala naman daw third party. It’s just that parang walang mga plano si Xian sa kanilang 12 years na relationship.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Parang hindi niya priority. Parang naghihintay lang si Kim Chiu ng proposal. 12 years na sila eh,” ang sey  pa ni Ogie.

Baka Bet Mo: Kim niregaluhan ni Xian ng OOTD na pang-motor: Para raw ready ako umangkas sa kanya!

Ilang linggo nang napapabalita na hiwalay na sina Kim at Xian matapos ang 11 years nilang relasyon na nagsimula pa noong October nang mapansin ng netizens na nagbakasyon nang solo si Kim sa ibang bansa.

Nauna rito, nag-react na si Kim tungkol sa breakup nila ni Xian sa presscon ng “Linlang”. Aniya, “Grabe! Kayo talaga! Baka nalilinlang lang kayo. Okay naman po kami ni Xi.

“Oo, mapanlinlang ang showbiz, pero maayos naman. Masaya naman po,” aniya pa.

Sa isang hiwalay na interview, muling nagsalita si Kim about it, “Grabe, sa amin na lang ‘yun. We’ll just keep it to ourselves na muna.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong April, 2023, naging madamdamin pa ang pagbati ni Xian sa birthday ni Kim, “Truly, madly, deeply in love with you and I cherish every single moment I have with you. So many years have gone by and we’re still by each other’s side.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending