Kim Chiu, Xian Lim matagal nang hindi nagpo-post ng couple photos, hirit ng netizens: Mukhang hiwalay na nga!? | Bandera

Kim Chiu, Xian Lim matagal nang hindi nagpo-post ng couple photos, hirit ng netizens: Mukhang hiwalay na nga!?

Ervin Santiago |November 22,2023
facebook
share this

Kim Chiu, Xian Lim matagal nang hindi nagpo-post ng couple photos, hirit ng netizens: Mukhang hiwalay na nga!?

Ervin Santiago - November 22, 2023 - 08:55 AM

Kim Chiu, Xian Lim matagal nang hindi nagpo-post ng couple photos, totoo nga kayang naghiwalay na?

Kim Chiu at Xian Lim

DIRETSAHAN na ang tanong ng mga fans kay Kim Chiu kung totoong hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Xian Lim.

Sa Instagram, nag-post ang Kapamilya TV host-actress ng kanyang sexy bikini photos na kuha mula sa kanyang pagbabakasyon sa sosyalerang Balesin Island Club.

Pero napansin ng mga netizens na hindi niya kasama si Xian sa nasabing isla at tanging ang kanyang pamilya ang makikita sa kanyang mga social media post.

Ayon sa ilang comments ng kanyang IG followers, matagal na raw kasing hindi nagpo-post si Kim ng mga pictures nila ni Xian together kaya mukhang totoo nga ang chika na hiwalay na sila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


Ang huling pagkakataon na nagbahagi ang aktres ng mga litrato nila ni Xian sa IG at YouTube ay noon pang July 30, 2023. Ito yung pagbabakasyon nila sa Hong Kong.

Baka Bet Mo: Xian alam ang mga hinanakit at sama ng loob ni Kim; umaming kinakabahang makatambal si Jennylyn

Sa IG post ni Kim noong July 16, makikita naman ang sweet moments nila ni Xian habang namamasyal sa Hong Kong. Nagkomento pa rito ang aktor ng, “hala…. parang first week nung nililigawan pa kita.”

Isa pa sa napansin ng mga fans, never daw nag-congratulate si Xian sa matagumpay na serye ni Kim na “Linlang” kung saan nakasama ng aktres sina JM de Guzman at Paulo Avelino na natapos na last week.

Ayon sa ilang netizens, isa si Xian sa mga nauunang bumati kapag may mga bonggang achievements si Kim kaya feeling nila mukhang naghiwalay na ang magdyowa.

Ngunit may mga IG followers naman si Kim na nagsabing baka may pinagdaraanan lamang ang dalawa o posibleng lie low lang sila dahil may kanya-kanya silang bagong projects ngayon.

Pagkatapos ng “Linlang”, bibida uli sina Kim at Paulo sa Pinoy adaptation ng hit Korean series na “What’s Wrong With Secretary Kim?” Habang si Xian naman ay bibida sa upcoming Kapuso series na “Die. Love. Repeat.” kasama si Jennylyn Mercado.

Sa dami ng nagtanong kay Kim kung break na sila ni Xian ay wala siyang sinagot dito.

Matatandaan na noong October 31, ay sinabi ni Kim na okay sila ni Xian at strong pa rin daw ang kanilang relasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


Natanong din siya ni Vice Ganda sa isang episode ng “It’s Showtime” noong November 2 sa gitna ng pang-iintriga sa kanila ni Xian. Hirit ni Vice, “Ikaw, sino nagpapangiti sa yo lately?”

Baka Bet Mo: Kim niregaluhan ni Xian ng OOTD na pang-motor: Para raw ready ako umangkas sa kanya!

Sey naman ni Amy Perez, “Meron ka bang gustong bigyan ng mensahe?”

Natawa lang si Kim sabay kaway sa camera, at nag-“Hi!” Bumaling siya kay Vice at nag-dialogue ng, “Bakit? Napaka-OA nito!”

“Kami? Ako ang OA?” sey Vice na ngumiti na tila may inside joke sila ni Kim.

Sey uli ni Kim, “Napaka-OA niyo!” Na sinagot ni Vice ng, “Wow! Pulang-pula! Ang blush-on napunta sa noo. Halalalalala!”

At nang usisain uli kung sino ang nagpapangiti sa kanya, sagot ni Kim, “Ako? Mga pamilya ko, mga kamag-anak ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sagot naman ng dalaga sa tanong ni kung ano ang kulang kapag wala ito, “Kulang kapag walang usap. In everything that you do communication is the key.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending