Julia Barretto 'Bukaka Queen', bikini photo pinagtripan ng netizens: 'Mas nakita pa yung panty kesa sa number ng kalendaryo'

Julia Barretto ‘Bukaka Queen’, bikini photo pinagtripan ng netizens: ‘Mas nakita pa yung panty kesa sa number ng kalendaryo’

Ervin Santiago |November 17,2023
facebook
share this

Julia Barretto ‘Bukaka Queen’, bikini photo pinagtripan ng netizens: ‘Mas nakita pa yung panty kesa sa number ng kalendaryo’

Ervin Santiago - November 17, 2023 - 02:16 PM

Julia Barretto 'Bukaka Queen', bikini photo pinagtripan ng netizens: 'Mas nakita pa yung panty kesa sa number ng kalendaryo'

Julia Barretto

PINAGPIYESTAHAN ng mga kalalakihan ang sexy photos ni Julia Barretto bilang bagong Calendar Girl ng isang liquor brand.

Pinutakti ng sandamakmak na comments mula sa mga netizens ang ipinost ni Julia na 2024 calendar sa kanyang Facebook page kung saan nakabuyangyang ang kanyang katawan.

Sa nasabing kalendaryo, makikita ang girlfriend ni Gerald Anderson na nakaupo sa puting kama at nakasuot ng pulang see-through bikini na halos kita na ang kahubdan ng dalaga.

Sa kanyang caption, nagpasalamat si Julia sa tiwalang ibinigay sa kanya bilang bagong brand ambassador ng naturang liquor brand.

Nakakaloka ang mga nabasa naming comments mula sa netizens kung saan ilang male fans ang nagsabing napa-zoom  sila sa kalendaryo ni Julia habang ang iba naman ay umaming natakam sila sa ganda at kaseksihan ng aktres.

Baka Bet Mo: Julia Barretto sa viral video na ‘nagtaray’ umano sa media: ‘This is false…why now?’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Natawa rin kami sa nagsabi na mas malaki pa raw ang litrato ni Julia kesa sa mismong mga petsa na kalendaryo. Meron ding tumawag kay Julia na “Bukaka Queen.” Narito ang ilang reaksyon ng FB followers ng dalaga.

“Di ko makita yung dates. Need i’zoom.”

“Mas nkita Kupa Yung kulay Ng panty Kaisa Sa number Ng calendaryo.”

“Bale Tuesday pala tatapat ang birthday ko next year. Salamat Julia!”

“Ang liit Ng mga petsa kaylangan 100% zoom.”

“Laki Ng buka kesa petsa.”

“Alin ba mahalaga dito? ung dates ng kalendaryo o yung pagbuka mo? mas nakapokus kami sa pagbuka mo e kase mas malaki pa kesa sa dates.”

“Zoom friendly na kalendaryo.”

“Minus 10 ka sa langit kapag nag zoom ka kapatid!”

“Ung Ang sexy pero di malaswang tignan.”

In fairness, mukhang proud boyfriend naman si Gerald sa pasabog na sexy pictorial ni Julia dahil talagang ni-repost din niya sa kanyang IG story ang naturang kalendaryo.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julia Barretto na-bad trip, nag-walkout nang tanungin sa ‘besohan’ nina Gerald at Maja?

Julia Barretto napalaban sa matinding halikan kay Diego Loyzaga, mga dating magdyowa siguradong relate-much sa ‘Will You Be My Ex?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending