Julia Barretto hindi kayang maging BFF ang ex-dyowa: 'Respeto na lang sa current partner mo' | Bandera

Julia Barretto hindi kayang maging BFF ang ex-dyowa: ‘Respeto na lang sa current partner mo’

Ervin Santiago |June 11,2023
facebook
share this

Julia Barretto hindi kayang maging BFF ang ex-dyowa: ‘Respeto na lang sa current partner mo’

Ervin Santiago - June 11, 2023 - 07:07 AM

Julia Barretto hindi kayang maging BFF ang ex-dyowa: 'Respeto na lang sa current partner mo'

Julia Barretto at Gerald Anderson

KAPAG tapos na ang relasyon, tapos na! Yan ang paniniwala ni Julia Barretto nang matanong kung keribels ba niyang maging BFF o close friend ang kanyang ex-boyfriend.

Para sa girlfriend ni Gerald Anderson, kapag naghiwalay na ang magdyowa mahirap nang maibalik nang bonggang-bongga ang pagkakaibigan. Kapag nag-end na ang relasyon kasama na rin dito ang pagtatapos ng friendship.

“Kaya niyo ba? Kasi kung kaya niyo there’s something weird with me siguro. I think it’s just, to be honest hindi ba? Parang ex mo na kasi.

“Pero you can be civil and respectful at maayos ang pakikitungo niyo sa isa’t isa, pwede kayong magkamustahan. Pero I feel like when that part of your life is over, it means that whole relationship including the friendship,” simulang pahayag ni Julia sa isang episode ng “Magandang Buhay.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto)


Aniya pa, “And especially if you are happy at the moment ‘di ba it’s really as respect to your current partner as well because hindi naman yata proper.”

Ngunit paglilinaw ng aktres, pwede naman daw siyang sumama o mag-join sa mga gatherings o reunion ng mga common friends nila ng kanyang dating dyowa.

Baka Bet Mo: James todo emote, may hugot nga ba sa ‘Para Sa Mga Ex’?

“Yes of course, ang tanong naman kasi close friends, parang papuntang best friends na yon, eh baka maging kayo ulit,” katwiran ni Julia.

Sa bagong movie ni Julia, tatalakayin ang kuwento ng mag-ex na nagkrus muli ang landas. Feeling nila ay kering-keri na nila ang maging friends again pero mahal at na-fall uli sila sa isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto)


“Thinking of whether or not we should give it another chance. So yun nga lang ang ano doon kapag tinry niyo maging friends ang nangyayari parang nagiging familiar masyado at nagkakalituhan kayo kung ano ba ito,” chika ni Julia.

Taong 2019 nang kumalat ang balitang hiwalay na sila ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia. Maligaya na ngayon si Julia sa piling ng boyfriend niyang hunk actor na si Gerald Anderson.

Sa huling panayam ng ilang members ng entertainment media kay Joshua sa presscon ng “Unbreak My Heart” inamin niyang sobra siyang naapektuhan sa paghihiwalay nila ng kanyang huling dyowa.

Hindi man pinangalanan ng binata kung sino ang girl, alam naman ng lahat na ang last na nakarelasyon niya ay si Julia. Inamin ni Joshua na talagang nawala siya sa focus noong mabigo siya sa pag-ibig.

Bea, Heart naging instant BFF: ‘We just clicked, I love spending time with her’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kilalang aktres hindi pa rin maka-move on sa ex-dyowang aktor; palihim na natutulog sa dati nilang bahay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending