James todo emote, may hugot nga ba sa 'Para Sa Mga Ex'? | Bandera

James todo emote, may hugot nga ba sa ‘Para Sa Mga Ex’?

Therese Arceo |October 26,2021
facebook
share this

James todo emote, may hugot nga ba sa ‘Para Sa Mga Ex’?

Therese Arceo - October 26, 2021 - 06:19 PM

James todo emote, may hugot nga ba sa 'Para Sa Mga Ex'?

BUMIDA ang actor-singer na si James Reid sa official music video ng “Para sa Mga Ex” na kanta ni Zack Tabudlo kung saan ang kanyang role ay isang heart broken guy mula sa isang break up.

Unang minuto pa lang ay talaga namang damang-dama mo ang sakit nang sabihin ni James ang mga salitang “Okay lang ako” sa kausap nito sa cellphone.

Marami sa mga netizens ang napahanga dahil hindi pa rin kumukupas ang acting skills nito kahit na nag-lie low ito sa pag-arte nang magsimula ang pandemya.

May ilan ring nakapansin na parang natural ang pag-arte ni James kaya may mga nagtatanong kung umaarte pa rin ba ang aktor or totoong emosyon ang inilalabas ni James sa music video.

Nakaka-relate nga ba ang aktor lalo na’t naging maingay ring muli ang kanyang pangalan nang lumabas ang balitang may iba nang nagpaptibok ng puso at nagpapasaya sa kanyang ex dyowang si Nadine Lustre.

Nag-promote rin si James ukol sa music video sa kanyang Instagram at tinawag ang sarili bilang “sad boy James”.

“Thanks for traumatising me @zack.tabudlo (laughing emoji),” dagdag pa nito.

Marami naman sa mga fans at netizens ang nag-comment at pumuri kay James.

“No caps, James’ acting is so real here. Ramdam ko ‘yung sakit,” comment ng isang netizen.

“This really hits hard knowing and hearing the news about Nadine having a new lover,” saad pa ng isa.

“The long pause when he said ‘Okay lang ako’. My JaDine heart is breaking,” dagdag pa ng isa.

“Umaasa pa rin ako na magiging kayo ulit. Ang hirap. Ang hirap tanggapin,” sey ng isang fan.

Bagamat matagal na nilang inanunsyo ang kanilang paghihiwalay ay marami pa rin sa mga netizens ang nasaktan dahil kahit papaano ay umaasa silang magkakabalikan ang dalawa lalo na’t naging magkaibigan pa rin ang mga ito sa kabila ng break up.

Ngunit ngayon ngang may bago na si Nadine ay mukhang kinakailangan na rin nilang mag-move on at suportahan kung saan magiging masaya ang aktres.

Matatandaan ring natanong ni Boy Abunda si James kung sakaling handa na ba ito kung handa ba itong makita na may kasamang iba ang ex na si Nadine Lustre.

“I don’t think anyone in that situation is really excited to see the ex with someone else,” hindi direktang sagot nito.

Marami rin sa mga netizens ang umaasa na sana ay magbalik nang muli si James sa pag-arte lalo na’t hindi pa rin kumukupas ang galing nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
James hindi excited makita si Nadine na may kasamang ibang lalaki: But I want her to be happy
Nadine spotted kasama ang rumored boyfriend sa Siargao

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending