Nadine spotted kasama ang rumored boyfriend sa Siargao | Bandera

Nadine spotted kasama ang rumored boyfriend sa Siargao

Alex Brosas |August 21,2021
facebook
share this

Nadine spotted kasama ang rumored boyfriend sa Siargao

Alex Brosas - August 21, 2021 - 02:54 PM


Spotted si Nadine Lustre kasama ang kanyang Filipino-French boyfriend sa Siargao.

Lumabas sa isang website ang ilang photos ng dalaga kasama ang sinasabing boyfriend pati na rin ang kanilang mga kaibigan.

May isang fan daw na nag-request kung puwedeng magpa-picture kay Nadine. Sinabihan daw ito ng dyowa ni Nadine na maghintay lang muna dahil Nadine is still fixing herself.

Sa photo na aming nakita, guwapo naman ang sinasabing BF ni Nadine. Mukha talaga itong foreigner at mukhang mas may edad kaysa sa aktres. Pero face-wise, hindi hamak na mas guwapo naman si James Reid.

Ang daming nag-react sa photo ni Nadine kasama ang sinasabing dyowa.

“Nadine deserve James Reid too, let’s all accept the fact na james ready did a big impact to nadine’s life.He’s been there in nadine’s darkest days, also.Kahit na jadine fan ako, wala akong ibang hinihiling kundi yung kasiyahan ni nadine, she’s been through a lot for the past years.Nadine deserve the life she’s been dreaming of,” comment ng isang netizen.

“Mas manly to keysa Kay James HAHHAHA MAS mayaman pa, may ari ba Naman Ng resort habang si James pag aartista lang at music? Liit kase ni James sa personal ih. Saka mas Maganda na din yan non showbiz magiging boyfriend ni nadine. Nadine deserve a man not a boy . Napanuod ko Yung video gentleman Yung guy HAHHA,” chika naman ng isa pang netizen.

“Wala naman masama Kung mag karoon sya ng bagong bf hiwalay nmn na sila ni james ang importante masaya sya at Ang puso nya wag na lang mang bash ung mga taong Hindi naman sila kilala hayaan na Lang nilang maging masaya ung mga taong Wala namn tinapakan na iba para lang maging masaya,” sey naman ng isa pa.

“Bagay si James at Nadine as a Jadine fan naramdaman ko namang talagang Mahal ni Siya ni James but kung saan mas masaya si Nadine dun ako she deserves the best,” depensa naman ng isang JaDine fan.

* * *

Marami ang naaliw sa tila patutsada ni Mark Herras sa issue na nanghiram siya ng P30,000 sa manager niyang si Lolit Solis.

Lumaki na ang issue matapos ikuwento ni Aling Lolit sa online show niya kasama sina Ms. Cristy Fermin at Mr. Fu ang tungkol sa pangungutang sa kanya ni Mark.

Sa recent post ni Mark sa kanyang Instagram ay ito ang kanyang aria: “Our happy Corkyboy! Breast fed since birth. Wag mo pansinin mga tsismis anak hindi ka namin palalakihin dyan don’t worry. We love you!!! #Corkyboy @nicole_donesa @corkynumber1”

Ito ba ang sagot ni Mark sa lumalaking issue? Teka, sinabi niyang lumako sa breastfeeding ang kanyang anak, ibig ba sabihin niyon ay hindi naman niya ibinila ng formula milk ang kanyang baby.
Pakisagot nga, Mark.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang latest? Hindi na si Aling Lolit ang nagma-manage ng career ni Mark ngayon. Binitiwan na niya ang pamamahala sa career ng actor kaya ang GMA Artist Center na ang solong namamahala sa actor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending