Issa Pressman nagdiwang ng 26th birthday kasama si James Reid

Issa Pressman nagdiwang ng 26th birthday kasama sina James Reid, Yassi, Julia Barretto

Pauline del Rosario |June 09,2023
facebook
share this

Issa Pressman nagdiwang ng 26th birthday kasama sina James Reid, Yassi, Julia Barretto

Pauline del Rosario - June 09, 2023 - 11:26 AM

Issa Pressman nagdiwang ng 26th birthday kasama sina James Reid, Yassi, Julia Barretto

PHOTO: Instagram/@pressmanissa

IBINANDERA ni Issa Pressman ang masayang pagdiriwang ng kanyang 26th birthday.

Makikita sa kanyang Instagram na nagkaroon siya ng intimate celebration kasama ang rumored boyfriend na si James Reid, ang kanyang kapatid na si Yassi at ang aktres na si Julia Barretto.

Spotted din sa pictures na hinahalikan at niyayakap siya ni James, pati ng kanyang kapatid.

Caption pa niya sa IG, “mi birthday && mi life’s gifts.” 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝐈𝐒𝐒𝐀 🧿 (@pressmanissa)

Baka Bet Mo: Cristy Fermin hanga sa pangdededma ni Nadine sa ‘dyowa reveal’ nina James at Issa: ‘Yan ang dapat gawin, huwag magpaapekto!

Umuhos naman ang birthday greetings para kay Issa at ilan sa mga nagkomento ay ang internet personality na si Mikaela Martinez at professional basketball player na si Kobe Paras.

“Happy Birthday [red heart emoji],” sey ni Mikaela.

Lahad naman ni Kobe, “issa vibeee.”

Noong Abril lamang ay umani ng iba’t-ibang reaction sina James at Issa matapos mahuling magkasama sa Palawan.

Hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon sa tunay na relasyon ng dalawa, pero ilang beses na nilang ibinabandera sa social media ang pagiging sweet sa isa’t-isa.

At isa na nga riyan ay ‘yung nanood sila ng concert ng British singer-songwriter na si Harry Styles na naganap sa Bulacan noong Marso.

Matatandaang inakusahan noon ng netizens si Issa na siyang dahilan ng breakup nina James at aktres na si Nadine Lustre noong 2020.

Ngunit ‘yan ay pinabulaanan ni Yassi kamakailan lang at nilinaw pa na walang matinding away o big issue sa pagitan nila ng aktres.

“Sige po para tapos na po, ha. Isang beses ko lang po ‘tong sasabihin. Wala pong problema,” panimulang pahayag ng dalaga matapos siyang tanungin sa isang presscon.

“Kami po ni Nadine, okay po kami. Okay rin po ‘yung buong pamilya namin. At siyempre po, bago po nag-public ang lahat, lahat po naasikaso in private. So, lahat po walang problema,” ang sabi pa ni Yassi.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

James Reid, Issa Pressman may pa-‘soft launch’ nga ba ng relasyon, banat ng netizens: ‘Time is the ultimate truth teller talaga!’

Yassi nagsalita na sa chikang magkaaway sila ni Nadine; nagulat din daw sa relasyon nina Issa at James

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending