Cristy Fermin hanga sa pangdededma ni Nadine sa ‘dyowa reveal’ nina James at Issa: ‘Yan ang dapat gawin, huwag magpaapekto! | Bandera

Cristy Fermin hanga sa pangdededma ni Nadine sa ‘dyowa reveal’ nina James at Issa: ‘Yan ang dapat gawin, huwag magpaapekto!

Pauline del Rosario |March 26,2023
facebook
share this

Cristy Fermin hanga sa pangdededma ni Nadine sa ‘dyowa reveal’ nina James at Issa: ‘Yan ang dapat gawin, huwag magpaapekto!

Pauline del Rosario - March 26, 2023 - 05:59 PM

Cristy Fermin hanga sa pangdededma ni Nadine sa ‘dyowa reveal’ nina James at Issa: ‘Yan ang dapat gawin, huwag magpaapekto!

LUBOS na hinangaan ng kolumnistang si Cristy Fermin ang pagdedma ng award-winning actress na si Nadine Lustre matapos ang padyowa reveal nina James Reid at Issa Pressman.

Sa YouTube vlog na “Showbiz Now Na!,” sinabi ni Tita Cristy na hindi naman kailangang makisawsaw ni Nadine sa pasabog ng dalawa dahil masaya na ito sa kanyang lovelife.

“‘Yan ang dapat niyang gawin, ‘yung huwag siyang magpaapekto, huwag siyang magsasalita ng ano man parang talbos ng kamote,” sey ni Tita Cristy.

Ani pa niya, “Tulad ‘nung kay James Reid at Issa, parang wala lang kasi napakaganda na ng buhay niya. Ang saya-saya na niya. Kumpleto ang karera niya, pagkaganda-ganda ng imahe, may mga award  pa siya. Bakit pa naman siya mabo-bother?”

“Ang masakit lang, kapag binalikan niya ‘yung mga nakaraan na ang duda pala niya ay totoo,” saad ng kolumnista.

Hirit naman ni Romel Chika, “pero hindi na nga niya gagawin ‘yan dahil ayaw na niyang madamay-damay diyan.”

Bigla namang nagbigay ng advice si Tita Cristy para kay Nadine at sinabing, “‘Wag mong iintindihin ang sinasabi ng mga tao.”

Baka Bet Mo: Nadine Lustre proud vegan na, kakaririn ang pagiging ‘solid’ wildlife protector

Aniya pa, “Basta ikaw ay masaya at walang kang pinoproblema sa buhay mo, go lang!”

Dagdag pa ni Tita Cristy, “Sa totoo lang po, hindi na talaga dapat magbigay ng negatibong reaksyon si Nadine Lustre tungkol sa nagaganap ngayon kay James Reid.”

“Napakanegatibo po ng imahe ngayon ng kanyang dating boyfriend. Bakit pa nga ba siya makikisali? Mahahawa pa siya,” giit ng kolumnista.

Samantala, kamakailan lang ay nagsalita na ang kapatid ni Issa na si Yassi patungkol sa isyung nagkaaway umano sila ni Nadine dahil sa nangyari.

Nilinaw ni Yassi na walang matinding away o big issue sa pagitan nilang dalawa dahil nakapag-usap na sila.

“Sige po para tapos na po, ha. Isang beses ko lang po ‘tong sasabihin. Wala pong problema,” panimulang pahayag ng dalaga matapos siyang tanungin sa isang presscon.

“Kami po ni Nadine, okay po kami. Okay rin po ‘yung buong pamilya namin. At siyempre po, bago po nag-public ang lahat, lahat po naasikaso in private. So, lahat po walang problema,” ang sabi pa ni Yassi.

Pagpapatuloy pa niya, “And me and Nadine are cool, we’re friends. We’ve been friends ever since we were kids kaya naman, lahat po okay po.

“Tsaka ilang taon na rin po. Kaya ayon, sana everybody, let everyone be happy,” sabi pa ni Yassi.

Matatandaang inakusahan noon ng netizens si Issa na siyang dahilan ng breakup nina James at Nadine noong 2020.

Sa ngayon ay mukhang happy na rin si Nadine sa piling ng kanyang French businessman boyfriend na si Christophe Bariou.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Nadine Lustre mas hinangaan ng madlang pipol matapos ang pa-‘soft launch’ nina James at Issa

Yassi nagsalita na sa chikang magkaaway sila ni Nadine; nagulat din daw sa relasyon nina Issa at James

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending