Nadine Lustre proud vegan na, kakaririn ang pagiging ‘solid’ wildlife protector | Bandera

Nadine Lustre proud vegan na, kakaririn ang pagiging ‘solid’ wildlife protector

Pauline del Rosario - March 23, 2023 - 10:07 AM
Nadine Lustre proud vegan na, kakaririn ang pagiging ‘solid’ wildlife protector

PHOTO: Twitter/@MasungiGeo

PINANINDIGAN na ng award-winning actress na si Nadine Lustre ang kanyang pagiging “wildlife protector.”

Isang taon kasi matapos ang kanyang pagiging “pescatarian” ay naging “vegan” na siya pagdating sa pagkain.

Ano nga ba ang kaibahan ng dalawa?

Ang “pescatarian diet” ay tanging pagkain lang ng mga gulay o iba pang plant-based food, ngunit pwede itong samahan seafood.

Ang “vegan diet” naman ay pure plant-based lang ang kakainin kagaya ng gulay, prutas at hindi pwede ang anumang meat o animal products.

At bilang advocate ng kalikasan, pinagkalooban din si Nadine ng titulong “honorary park ranger” ng Masungi Georeserve, isang pribadong conservation area sa Rizal.

Baka Bet Mo: Nadine walang balak makisawsaw sa ‘padyowa reveal’ nina James Reid at Issa Pressman; pinuri sa bagong vlog

Sa isang Facebook post, proud na ibinadera ng Masungi ang paglahok ng aktres sa isang tree-nurturing activity.

Makikita pa ang ilang pictures na nagtatanggal siya ng mga damo.

Caption sa FB post, “Our honorary park ranger and MMFF Best Actress Nadine Lustre participated in tree nurturing activities at the Masungi Geopark Project, including weeding out grasses and mulching.”

Patuloy pa, “She also shared with us her journey to a vegan lifestyle, which she is embarking on for the welfare of animals and the planet.”

“Nadine is one of our women allies in fighting for Masungi’s future,” ani pa sa post.

Matatandaan noong 2022 ibinunyag ni Nadine sa isang interview na ang pagtira niya sa Siargao ang nagmulat sa kanya upang maging pescatarian at ibinahagi pa na nais niyang maging vegetarian in the future.

Sa isa pang hiwalay na interview ay nabanggit naman niya na nakikita niya ang kanyang sarili na makukulong dahil sa pakikipaglaban para sa kalikasan.

“That’s a serious thing. It would probably happen eventually, I hope not. But fingers crossed. But I see that happening eventually,” sey niya sa local lifestyle magazine na Cosmopolitan Philippines.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nadine takang-taka kung bakit natsitsismis na buntis every year: ‘Kung pregnant ako, ipagsisigawan ko sa buong mundo’

Nadine Lustre ibinandera ang ‘childhood memories’ sa first-ever vlog: All of this had to happen for me to become this person

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending